Connect with us

Showbiz

Kilalanin Ang Napakagandang Mommy Ng Aktres Na Si Kylie Padilla

Published

on

Isa sa mga maituturing na may pinakamagandang mukha na aktres sa mundo ng showbiz ay ang hinahangaan at iniidolo ng marami na si Kylie Padilla. Siya ay kilala bilang isang Kapuso actress sa mundo ng showbiz.

Hindi naman maikakaila ang kanyang pagkakaroon ng taglay na kagandahan, dahil sa kilala ang “Padilla” sa mundo ng showbiz na angkan na nag-gagwapuhan at nag-gagandahan.
Si Kylie Padilla ay anak ng beteranong action star na si Robin Padilla, na isa sa mga pinaka-sikat din at pinaka-kinakikiligan din dahil sa taglay niyang kagwapuhan noong kanyang kapanahunan. Maliban nga sa namana niya ni Kylie sa ama ang kanyang husay at talento sa pag-arte, ay nakuha rin niya rito ang magandang lahi ng mga Padilla.

Samantala, ang ina naman ni Kylie ay isa ring dating aktres sa industriya ng showbiz, at ito nga ay si Liezl Sicangco. Ikinasal ito kay Robin Padilla, at nagkaroon ng apat na mga anak, kung saan ay pangalawa sa mga ito ay si Kylie.

Matapos ang 11-taon na pagsasama ng mag-asawa ay naghiwalay ang mga ito.
Marami naman ang nakapansin na mas malaki ang pagkakahawig ni Kylie sa kanyang inang si Liezl Sicangco. Ito nga ay matapos magbahagi ng Kapuso actress ng larawan ng isang throwback photo ng kanyang ina, na kuha noong halos ito’y nasa edad lamang ng edad ngayon ng aktres.
Caption naman ni Kylie sa naturang larawan ng kanyang mommy Liezl.

“My mommy at my age. I think. HOLY. Where did I get all the black thing?”, ani Kylie.
Nang makita nga ng mga tagahanga ng aktres ang larawan na ito ng kanyang ina, ay marami sa kanila ang napahanga dahil sa talaga namang napakaganda rin nito at tila nga ito’y si Kylie noong kabataan nito.

Napansin pa nga ng mga tagahanga ng aktres na ilan sa mga pisikal na katangian ni Kylie ay namana niya sa kanyang inang si Liezl, tulad na nga lamang ng makinis at maputi nitong balat, at ang maganda at maamo nitong mukha. Maging ang matangos na ilong ni Kylie, ay tila namana niya sa kanyang ina, at ang kanyang mga mga “fierce kooking eyes.” Narito nga ang ilan sa mga naging komento at reaksiyon ng mga netizens; “Kamukha niyo po!” “Gandaaaa”“Gandaaa!!!!! Kamukhang kamukha mo.”