Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Napakagandang Si Milissa Grande Na Girlfriend Ng Sikat Na Vlogger Na Si Ranz Kyle

Published

on

Isa sa mga popular at talaga namang sikat na sikat ngayon na YouTuber, ay ang binatang si Ranz Kyle. Siya ang isa mga influential social media personality ngayon, na talaga namang hinahangaan ng marami, dahil sa madalas niyang pagpapakita ng kanyang talento at taglay na husay pagdating sa pagsasayaw.
Maliban pa rito, ay nakilala rin si Ranz, sa dance duo na “Ranz and Niana”, kung saan ay kasama niya dito ang kanyang step-sister na si Niana.

Dahil sa talagang napakahusay at galing sa pagsasayaw ni Ranz Kyle, ay talaga namang kinaaliwan ng marami, lalo na ng mga kabataan, ang manood ng kanyang mga dance video.

Taong 2000 ay matatandan na pumasok si Ranz Kyle sa showbiz at sinubukan ang maging isang aktor, at noon din ay naging miyembro siya ng defunct all-boys group.

Hindi nga lamang ang husay sa pagsasayaw ang hinahangaan kay Ranz Kyle, dahil kung pagmamasdan ang binata, ay taglay rin nito ang angking kagwapuhan, kaya naman hindi na kataka-taka na maraming mga kadalagahan ang hinahahangaan at nagkakagusto sa binata.

Samatala, kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan, kung si Ranz Kyle ba ang may girlfriend na. Ito ay matapos lumabas ng isang magandang dalaga sa isang video vlog, kung saan ay binati nito ang binata sa kaarawan nito.

Makikita pa nga sa video, na nagulat si Ranz ng batiin siya ng dalaga, at tinukso pa siya ng kanyang mga kapamilya rito. Dito na nga nagsimulang mapag-usapan at mapa-isip ang maraming mga tagahanga ni Ranz Kyle, kung sino ang naturang dalaga, at kung ano nga ba ito ng binata.

Ayon nga sa mga lumabas na ulat, ang dalagang ito na sinasabing girlfriend ni Ranz Kyle, ay si Millisa Grande, tubong Tarlac, ngunit lumaki at naninirahan na sa Canada. Siya’y isang Filipina commercial model, beauty queen at singer.

Base pa nga sa mga lumabas na ulat, patungkol sa dalaga, ay naging representante ito ng bansang Canada, sa isang International Pageant noon, at ito nga ay hindi na nakapagtataka, dahil kung titingnan si Millisa ay masasabi nga natin na pang-beauy queen ang kanyang taglay na ganda.

Sa pagnanais ni Millisa na sumubok ng ibang karera sa ating bansa [Pilipinas], ay pinili ng dalaga na huminto muna sa kanyang pagiging isang modelo. Lumabas naman sa ibang mga ulat, na mas pinili nina Ranz Kyle at Millisa na hindi isapubliko kung ano man ang relasyon na mayroon silang dalawa, dahil sa mas maayos kung ito ay magiging pribado.

Matapos nga maging usap-usapan ang video greetings ni Millissa kay Ranz, ay marami naman sa mga tagahanga nilang dalawa, ang nagpa-abot ng mensahe ng suporta, sa kung ano man ang relasyon na mayroon sila.