Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Napakagandang Si Riza Faulkerson Ang Kapatid Ni Pambansang Bae Alden Richards

Published

on

Maliban sa pagiging isa sa mga sought-after actor at host, ay isa rin sa mga most coveted cover model ng henerasyon ngayon si Asia’s Multimedia Star Alden Richards. Kaya naman hindi rin nakapagtataka, na isa siya sa mga aktor ngayon na matagumpay ang karera sa showbiz.

Samantala, hindi nga lamang gwapo at mahusay na aktor ang ating hinahangaan na si Alden Richards, dahil maliban sa mga katangian niyang ito, ay mas kahanga-hanga pa ang pagiging mapagmahal at matulungin niya sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang mga kapatid.

Si Pambansang Bae Alden Richards, kung hindi niyo nalalaman, ay mayroong dalawang kapatid na babae, at ang isa na nga sa mga ito ay ang sumunod sa kanya na si Riza Faulkerson.

Sa mga naging ulat, ay sinabi na si Alden, ang dahilan kung bakit nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo ang kapatid niya si Riza. At ito nga ay base sa naging post ng daddy ni Alden, na si Daddy Bae sa Twitter nito.

“Siya po ang may kasalanan kung bakit nakapagtapos si Riza! Mabuhay ka nak!”, ang naging caption ng ani Daddy Bae. Ayon nga sa Kapuso star, nais niya na bago pa man magpaligaw ang kanyang kapatid at naisipan niyong pumasok sa isang relasyon, ay nakapagtapos na ito sa pag-aaral.

Dagdag pa ng aktor, makita lang niya na maayos at walang sakit ang kanyang pamilya ay masaya at ok na siya. Pangarap din umano noon pa ni Alden na makapagtayo siya ng kanyang sariling negosyo, para rin sa kanyang pamilya.

Noon umano ay isang HR si Riza sa isang company, bago pa man ito nakumbinsi ni Alden. Ayon pa sa aktor, nagkaroon pa sila ng hindi pagkakaunawaan at iyakan. Pinag-resign nga ni Alden ang kanyang Daddy Bae at si Riza sa mga trabaho ng mga ito, upang tulungan siyang i-manage ang kanyang sariling negosyo, ang McDonalds na matatagpuan sa Biñan Laguna.

Sa ngayon nga ay ang kapatid ni Alden na si Riza ang tumatayong manager sa negosyong ito ng aktor.
Ang McDonalds business ni Pambansang Bae Alden Richards ay nagbukas noong ika-26 ng Abril taong 2019.