Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Napakagwapong Anak Na Lalaki Aubrey Miles Na Matagal Inilihim Sa Publiko

Published

on

Ang buhay ng isang celebrity kung ating titingnan ay tila nga nakakainggit dahil sa halos lahat ng bagay na pinapangarap ng marami ay nasa sa kanila na, tulad ng karangyaan at kasikatan. Ngunit ang hindi natin nalalaman, kapalit ng karangyaan at kasikatan na ito na kanilang tinatamasa ay ang hindi pagiging pribado ng kanilang pamumuhay.

Tunay nga naman na napakahirap ng maging isang celebrity dahil halos lahat ng bagay sa iyong buhay ay sisilipin ng publiko at media, mapa-showbiz man ito o personal.

Kung kaya naman hindi rin natin masisi ang ilang mga artista, na ginagawa ang lahat upang sa kabila ng kanilang kasikatan ay pinipili pa rin na hindi mahimasok ng media ang kanilang personal na buhay, lalo na ng kanilang pamilya.

May mga pagkakataon nga na mapapansin natin na ang ibang mga artista ay hindi nagiging bukas sa publiko pagdating sa ilang mga bagay patungkol sa kanilang personal na buhay, kagaya ng kanilang pakikipagrelasyon o pagbuo ng sarili nilang pamilya.

Samantala, si Aubrey Miles ay isa nga sa mga celebrity na mas pinili na magkaroon ng personal na buhay sa kabila ng kanyang namamayagpag na karera noon.

Matatandaan na noon ay nanahimik sandali si Aubrey sa showbiz, kung saan ay hindi siya gaanong nasilayan sa telebisyon o mga programa, kung saan ang dahilan pala nito ay ang naging pagkakaroon nga niya ng anak, na matagal niyang itinago sa lahat.

Si Aubrey Miles nga ay nagkaroon ng anak na lalaki sa kanyang ex-boyfriend noon na si JP Obligacion, at ito nga ay si John Maurie Obligacion, na ngayon ay isa na ngang binata.

Sa naging pahayag noon ni Aubrey, ay sinabi nito ang dahilan kung bakit nagawa niyang itago ang anak sa publiko ng halos mahigit 7-taon. At ayon nga sa kanya ay ito ay para rin sa kanilang kinabukasan.

Dahil marahil, kung nalantad sa publiko ang pagkakaroon niya ng anak, ay marahil na nasira ang kanyang career sa showbiz at hindi siya nabigyan ng pagkakataon na muling maibalik ang kinang ng kanyang karera.

Ayaw niya rin umano kasing i-asa sa kanyang ina ang magiging buhay nila ng kanyang anak, kaya naman kinailangan niya talaga na makabalik sa showbiz para “I had to do it na ayoko mag-alaga lang ng anak. I had to do something for my life na kailangan kong pagtrabahua. Ayokong humingi sa nanay ko”, pahayag ni Aubrey sa panayam sa kanya noon.

Humingi rin ng tawad si Aubrey sa publiko sa naging panayam niyang ito, dahil sa ginawa niyang pag-deny noon sa mga tao patungkol nga sa alegasyon ng pagbubuntis niya at pagkakarooon ng anak.
Sa kabila nga ng mga pinagdaanan ni Aubrey ay masaya na ito sa buhay nito ngayon kasama ang kanyang partner na si Troy Montero ay ang kanilang dalawa ng anak na sina Hunter Cody ay Baby Rocket Miller.

Masaya rin ang aktres, dahil tanggap ni Troy ang kanyang nakaraan at parang tunay na anak nga nito kung ituring ang kanyang unang anak na si John Maurie. Sa katunayan pa umano, ay todo suporta si Troy sa pag-aaral at achievement ni John Marie.

Makikita naman sa mga larawan ni John Maurie na isa itong napakagwapong binata, at tulad ng kanyang ina ay mayroon din itong potensyal na pumasok sa mundo ng showbiz kung nanaisin niya.