Entertainment
Kilalanin Ang “Only Daughter” Ng Celebrity Couple Na Sina Gladys Reyes At Christopher Roxas

Kilala bilang isa sa mga pinakamahuhusay na kontrabida sa mundo ng teleserye at pelikula ang aktres na si Gladys Reyes mula noong kanyang kabataan pa bilang isang aktres, hanggang ngayon. Matatandaan na pinabilib niya ang marami sa pagiging isa niyang kontrabida ng gampanan niya ang karakter bilang si “Clara” sa popular na drama series noong dekada 90 na “Mara Clara” na ipinalabas ng ABS-CBN network.
Sa nasabi ngang teleserye, ay ang karakter ni Gladys ang nagpahirap sa buhay ni “Mara”, ang karakter naman na ginampanan ni Judy Ann Santos.
Dahil sa husay ni Gladys sa pag-arte at marami ang talaga ang naiinis sa kanyang mga nagiging karakter dahil sa tapang na ipinapakita niya ay tinawag nga siyang Primera Kontrabida, lalo na’t inakala nga ng marami na sa tunay na buhay ay matapang siya dahil sa awra ng kanyang mukha.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ay malayong-malayo ang pag-uugali ni Gladys Reyes sa mga nagiging karakter niya sa serye sa totoong buhay. Dahil sa tunay na buhay ay isang napakamapagmahal na ina niya sa apat na anak nila ng kanyang asawang aktor na si Christopher Roxas.
Si Gladys at Christopher ay may apat na anak, tatlo rito ay lalaki na sina Gian Christopher, Grant Carlin, Gavin Cale, at nag-iisa naman ang anak nilang babae, ito nga ay si Giana Aquisha.
Itinuturing na prinsesa sa kanilang pamilya si Giana, ito nga ay dahil siya ang ‘only girl’ ng kanyang mga magulang at kapatid.
At tunay ngang kaybilis ng panahon, dahil ayon mismo sa aktres na si Gladys Reyes, ay hindi niya inakala na ang kanyang only daughter ay dalaga na ngayon, sa edad nitong 13.
Hindi nga lamang mag-ina ang turingan ni Gladys at ng anak niyang si Giana, dahil tila nga sila ay mag-bestfriend din, sapagkat madalas silang mag-bonding ng mga bagay na pareho nilang kinahihiligan kagaya na lamang ng pagpe-perform at pagsasayaw.
Madalas din umano na mag-twinning ang mag-ina sa mga damit na kanilang isinusot.
Tila naman nga namana ni Giana kanyang mga magulang ang husay niiya sa pag-arte, dahil minsan ay naipamalas na rin niya ang talento niya ng bumida siya noon sa using event sa kanilang paaralan kung saan ay gumanap siya bilang si Gorothy ng Wizard of Oz.
Dahil nasa edad 13 na si Giana, ay marunong na ang dalaga na tumulong sa mga gawaing bahay, kagaya na nga lamang nito ay ang pag-aasikaso niya ng mga hugasin na pinggan. Isa rin siya sa mga dalaga na humahanga sa sikat na K-Pop group na BTS.
Ang mag-asawang Gladys Reyes ay Christopher Roxas ay 17-taon ng mag-asawa, pero ang kanilang relasyon ay halos nasa 28-taon na dahil sa naging magnobyo at nobya sila nu’ng magkakilala sila sa seryeng Mara Clara.
