Showbiz
Kilalanin Ang Panganay At Dalagang Anak Ng TV Host-Model Na Si Phoemela Baranda

Matatandaan na noon ay pamangkin ang unang naging pagpapakilala ni Phoemal Baranda kay Kim Nichole Baranda, kung saan ayon sa TV host-model, ay anak ito ng kanyang half-brother. Ngunit ang totoo pala, ay ito’y kanyang anak, at isinilang nga niya noong siya’y 19-taong gulang pa lamang.
Nang ipinakilala na nga ni Phoemela sa publiko ang tunay na katauhan ni Kim Nichole at aminin nga niya sa lahat na ito ay kanyang panganay na anak, ay ibinahagi rin niya kung bakit sa una’y kinailangan niyang ikaila ang anak sa lahat.
Ayon nga kay Phoemela, nagawa niyang itanggi si Kim Nichole noon, dahil ng isinilang niya ito ay masyado pa siyang bata, at marami pa siyang nais marating sa kanyang buhay.
Samantala, noon nga ay sumali si Kim Nichole sa PBB, at nu’ng mga panahong iyon, ay hindi pa nalalaman ng publiko na siya’y ina ng isa sa mga hinahangaang Tv host at isang modelo ngang si Phoemela Baranda.
Matapos ngang sumali ng dalaga sa nasabing reality tv show ng Kapamilya network, hind inga nagtagal ay ipinakilala na siya ng kanyang ina sa publiko bilang anak nito.
Para naman kay Kim Nichole, sa kabila ng matagal na panahon siyang itinago ng kanyang inang si Phoemela sa lahat, ay wala naman umano siyang naging hinanakit dito. Ito ay dahil sa naintindihan niya ang naging dahilan nito.
Dagdag pa ng panganay na anak ni Phoemela, wala siyang hinanakit sa kanyang ina, kahit na hindi nito nagawang ipakilala sa kanya kung sino nga ba ang kanyang ama. Dahil hindi naman ito nagkulang sa kanya, at ginampanan nga nito ang pagiging isang ama’t ina sa kanya.
At ngayon nga na nagdadalang-tao na muli si Phoemela Baranda makalipas ang ilang taon, ay isa si Kim Nichole sa nasiyahan sa magandang balita, dahil sa wakas ay magkakaroon na siya ng kapatid sa kanyang ina.
Sa ngayon nga ay 21-taong gulang na si Kim Nichole, at makikita sa mga larawan at videos nila ng kanyang inang si Phoemela na napaka-ayos ng kanilang samahan. Madalas ngag nagba-bonding ang mag-ina at makikita na sobra silang malapit sa isa’t isa. Mapapansin rin na ilan sa mga pisikal na katangian ni Kim Nichole ay namana niya sa kanyang inang si Phoemela Baranda.
