Showbiz
Kilalanin Ang Partner Sa Buhay Ngayon Ng Aktres Na Si Ryza Cenon

Isa sa mga celebrity mom ngayon na pokus muna sa pagpapalaki ng kanyang anak ay ang aktres na si Ryza Cenon. Parang kailan nga lamang ng ibahagi ni Ryza ang pagkakaroon niya ng anak sa kanyang boyfriend na si Miguel Cruz. At marami sa mga tagahanga ng aktres, ang nais naman makilala kung sino nga ba itong lalaking bumihag sa puso ni Ryza, na siya ngang ama ng anak nito.
Sa Instagram account ni Ryza ay ibinahagi niya ang larawan nila ng kanyang parter na si Miguel, kung saan ang naturang larawan ay kinunan sa isang napakaganda ngunit mataas na lugar, dahil sa likod nila ay tanaw ang mga luntiang tanawin.
Ayon kay Ryza ibinahagi niya ang naturang larawan bilang pagbati sa kanyang partner na si Miguel dahil sa kaarawan nito, at kasabay pa ng nasabing pagdiriwang ang anibersaryo nilang dalawa. Pinasalamatan din ni Ryzza si Miguel dahil sa lahat ng ginagawa nito para sa ikabubuti ng kanilang pamilya. Hiling naman ng aktres para sa partner niya, ay ang patuloy lang umano itong ingatan at gabayan ng Poong Maykapal.
“To my partner in crime @miguel.antonio.cruz Happy Birthday and Happy Anniversary. Thank you for everything that you have done for us. Please stay healthy and safe, especially at work. We love you dada.” Makikita naman sa mga komento ang naging sagot ni Miguel sa post na ito ng aktres, kung saan ay binati rin niya ang kanyang kasintahan.
“Thank you mommy!!! Happy anniversary [red heart emoji]”, ani Miguel para kay Ryza.
Para nga kay Miguel ay labis labis ang kasiyahan niya ngayon sa kanyang buhay, at labis ang pasasalamat niya sa biyayang dumating sa kanila ni Ryza. Hindi na nga lamang si Ryza ang kasama niya sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan, kundi kapiling na rin nila sa bawat araw ng buhay nila ang kanilang anak na si baby Night.
May mga kaibigan naman sina Ryza at Miguel ang makikitang nagbigay komento rin sa larawan na ibinahagi ng aktres, kung saan ilan nga sa mga ito ay nagpaabot ng kanilang pagbati para sa kaarawan ni Miguel,a may iba naman na ipinaabot ang pagbati para sa matatag na relasyon ng magkasintahan.
Samantala, dahil naman sa labis na kakyutan ng kanilang anak, ay madalas ngang kinukunan ni Miguel ng larawan si baby Night.
Sa ngayon ay abala si Ryza Cenon sa pagiging isang fulltime mommy, ngunit maliban dito ay madalas din siyang gumagawa at nagbabahagi ng mga nakaka-aliw na post ng kanyang anak na si baby Night at ito nga ay kanyang ipinapaki sa kanyang YouTube channel.
