Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Pinay Na Bumihag Sa Puso Ng Sikat Na Singer Na Si Brian McKnight

Published

on

Marahil ay marami sa atin ang nakakakilala kay Brian Macknight, dahil sa buong mundo ay talaga namang tanyag ang kanyang nakakamanghang talento. Siya ay isang mahusay na R&B singer, songwriter, arranger, producer at musician. Maliban pa dito ay isa rin siyang multi-instrumentalist, kung saan ay walong magkakaibang instrumento ang kaya niyang patugtugin.

Mas nakilala pa nga sa buong mundo si Brian Macknight dahil sa kanyang napakagandang boses na talaga namang bumibida sa pagbirit. Ilan nga sa mga kanta niya na talaga namang naging popular ay ang “Back at One”, “6,8,12” at “One Last Cry.”

Noon ngang nakaraang taon ay nagbalik ng Pinas si Brian, kung saan ay nagkaroon siya ng konsyerto sa Manila at Cebu City. Sa naging ulat pa nga ng ABS-CBN, sa Solaire Theater at Waterfront Cebu naganap ang konsyerto ni Brian, kung saan ito rin ay ginawa niya bilang selebrasyon ng wedding anniversary nila ng kanyang asawa na isang Filipina-American.

Para sa kaalaman nga ng lahat, si Brian Macknight ay ikinasal sa kanyang Filipina-American na asawa na si Dr. Leilani Malia Mendoza noong ika-1 ng Enero 2018. Ang kanilang pag-iisang dibdib ay naganap sa Oheka Castle Hotel & Estate sa Huntington, New York City. Samantala ipinagmamalaki naman ni Brian ang lugar ng kanyang asawa sa Pilipinas, at ito nga ay ang Plaridel, Bulacan. Ayon nga sa sikat na singer, labis ang kanyang kasiyahan na isang Filipina ang kanyang naging katuwang sa buhay.

“Well, I guess now its starts with my wife and her family. Being married to a Filipina is a fantastic thing. My love for Filipino food has gone through the roof.”, ani Brian. Madalas ngang sabihin ni Brian kung gaano niya kamahal ang Pilipinas, lalo na nga ang mga Pinoy niyang tagahanga na walang sawang sumusuporta at tumatangkilik sa kanyang mga musika.

Samantala, sa isa ngang panayam noon kay Brian Macknight ay nabanggit nga sa kanya na ang kanyang mga musika ay madalas na ginagamit ng mga Pinoy sa mga okasyon, lalo na sa kasalan. Naibahagi naman ni Brian, na noong siya ay bata pa ay pangarap na niya ang makapag-travel sa buong mundo at madalas nga umano siyang naghahanap ng mga bagay na magbibigay inspirasyon sa kanya upang siya ay makalikha ng na napakagandang musika.

Ibinahagi nga sin ng R&B singer na ang mga musika na kanyang nagagawa ay madalas na hango sa mga hopeless romantic, kaya naman talagang ito’y nakakaantig sa puso ng bawat makakarinig ng kanyang awitin. Matatandaan na noong taong 2016 ay nakasama nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez at Kyla sa isang pagtatanghal ang R&B singer dito sa Pilipinas. Malugod namang pinuri ni Brian ang husay ng mga beteranong Pinoy singers.