Connect with us

Showbiz

Kilalanin Ang Sikat At Napakaraming Tagahana Na Volleyball Player Ngayon Na Si Deanna Wong

Published

on

Hilig ng mga Pinoy ang sports at marami na nga tayong mga kababayan na naging popular dahil sa kanilang angking kagalingan at kahusayan sa sports na kanilang kinahihiligan. Samantala, pagdating sa larangan ng sports na volleyball, ay isa ngayon sa pinakasikat na volleyball player na talaga namang pinag-uusapan at hinahangaan ng marami ay ang dating miyembro ng Ateneo Lady Eagles at star setter ngayon ng Choco Mucho na si Deanna Wong, isang Cebuana.

Tunay ngang ibang lebel ang kasikatan ngayon ng Cebuana Ng volleyball player at star setter ng Choco Mucho an si Deanna Wong, ito nga ay dahil sa talaga namang siya ay dinarayo at pinag-uusapan ng marami niyang mga tagahanga.

Noon ngang ika-15 ng Abril, araw na ipinagdiriwang ng lahat ang Good Friday, isa sa mga mahalagang araw ng Holy Week, ay makikita nga ang pagbabahagi ng ina ni Deanna na si Judin Alvizo-Wong ng isang video, kung saan ay masisilayan ang napakaraming mga tagahanga o fans ng kanyang anak na si Deanna, kung saan ang mga ito nga ay nasa labas ng kanilang tahanan sa Minglanilla, Cebu.
“Unsaon namug gawas pag adto sa simbahan kung ing ani kadaghan nag atang pirmi sa gate?

Ang uban gikan pag mindanao ug other parts of the visayas.. uban alas sais pa sa buntag.”, ang naging caption nga ng ina ni Deanna sa video na ibinahagi niya. Ang ibig sabihin nga sa tagalog ng caption niya na ito ay,“Paano tayo makakalabas para pumunta sa simbahan kung ganito karaming tao ang laging nakaabang sa gate? “Yung iba, taga-Mindanao at iba pang parte ng Visayas. At alas sais pa ng umaga.”

Ayon nga sa ina ni Deanna, halos hindi nila maisip kung paano sila lalabas ng kanilang tahanan para magtungo sa simbahan, ito ay dahil sa sobra ngang dami ng fans ng kanyang anak na nakaabang sa gate. Saad pa niya, ang iba nga umano sa mga taong ito ay mula pa sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, tulad na nga lamang ng Visayas at Mindanao.

Sa kasikatan nga na ito ni Deanna ay marahil marami sa atin ang may kuryusidad at nais malaman kung sino nga siya at bakit napakarami ang talagang humahanga sa kanya para dayuhin pa siya sa kanilang tahanan. Ang 24-taong gulang na si Maria Deanna Izabella Alvizo-Wong o mas kilala nga bilang si Deanna Wong ay isang volleyball player. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Saint Theresa’s College at High School sa University of San Jose-Recoletos. Pagdating niya sa kolehiyo, ay kumuha nga siya ng kursong AB Interdisciplinary Studies sa Ateneo de Manila University (ADMU), at dito na nga nagsimula at mas lalong umusbong ang kanyang karera pagdating sa larangan ng volleyball.

Buwan ng Marso taong 2015 ng mapili si Deanna bilang bahagi ng collegiate varsity senior women’s volleyball team ng Ateneo, at taong 2016 naman ng opisyal siyanang naglaro bilang rookie. Nagsimula siya bilang libero ng Ateneo Lady Eagles sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament Season 79, at pagdating nga ng UAAP Season 80 ay naging setter na siya, kung saan dahil sa ipinamalas niyang husay at galing sa pagiging setter sa pagtatapos nga ng tournament ay hinirang siya bilang Best Setter.

Taong 2020 ng magtapos si Deanna ng kolehiyo, at dahil nga sa kanyang pagiging mahusay na volleyball player na naipamalas niya sa UAAP noong siya ay nag-aaral pa, ay naging daan nga ito para siya ay kunin ng kupunan ng Choco Mucho para maglaro nga sa Premier Volleyball League, kung saan dito nga mas lalo pang naging popular ang dalaga.

Ayon pa sa ulat, kapag may laro nga ang kanyang team ay madalas na mag-trending si Deanna, kagaya na nga lamang sa naging katatapos lamang na Premier Volleyball League Open Conference, kung saan hanggang fourth place lamang ang naabot ng kanilang team matapos nga silang matalo ng kupunan ng Creamline sa semifinals.

Samantala, dahil sa pagiging mahusay na manlalaro ng volleyball ni Deanna ay kaabilang dapat siya sa maglalaro sa gaganapin na Philippine women’s volleyball team para sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam, ngunit hindi nga siya natuloy dahil sa pagkakaroon niya ng shin injury.
Tunay ngang ngayon ay napakasikat ni Deanna sapagkat ang kanyang Instagram account ay mayroon ng 1.2 million na mga followers.