Showbiz
Kilalanin Ang Talentado At Magandang Dilag Na Anak Ni Gary Valenciano

Isa sa mga mahuhusay na mang-aawit sa industriya ng showbiz sa Pilipinas ay si Gary Valenciano, kaya naman hindi kataka-taka na ang talentong taglay niya ay mamana ng kanyang mga anak.
Si Kiana Valenciano ay ang bunsong anak ni Gary, kung saan ay namana nga nito sa kanya ang pagkakaroon ng magandang tinig at ang pagkahilig sa musika.
Dahil nasa dugo na nga niya ang pagkahilig sa musika at pagkakaroon ng magandang tinig, sa murang edad ni Kiana ay ilang mga awitin na rin ang kanyang nalikha at nagawa na rin niyang makapagtanghal sa ibang bansa. Samantala, maliban sa musika ay magaling rin sa fashion ang dalaga. Sa katunayan nga ay nag-aral at nagtapos siya sa ibang bansa ng kurso na may kaugnayan sa pagpa-fashion.
Noon nga lamang nakaraang buwan ay nilisan ni Kiana ang bansa, upang magtrabaho sa bansang Amerika. Hindi naman napigilan ng kanyang mga magulang na maging emosyonal, dahil sa mapapalayo sila sa unica hija ng kanilang pamilya.
Sa social media account ng ani Gary V. ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng kanyang mensahe para sa naging pag-alis ng kanyang unica hija na si Kiana. Kalakip pa nga ng mensahe niyang ito ay ang larawan nila habang sila ay nasa airport.
Mababasa nga sa mensahe ni Gary V. na sobra niyang mami-miss ang anak na si Kiana, dahil mapapalayo nga ito sa kanila at wala pang kasiguraduhan kung kailan nila ulit ito makakasama lalo na ngayon na may kinakaharap na krisis. Ipinabatid at ipinadama din ng singer kung gaano niya kamahal ang nag-iisang anak na babae, at kung gaano siya ka-proud sa ‘achievement’ nito.
Maging ang mga kuya ni Kiana na sina Gab at Paolo ay nagbigay rin ng mensahe para sa kanilang bunso at nag-iisang kapatid na babae.
“Dearest baby sister, may all your wildest dream come true. No matter what happens, always remember your why and you will achieve wonders”, ang naging saad ng kanyang kuya Gab. Dagdag pa ni Gab, proud siya sa kanyang bunsong kapatid at nami-miss na nga niya agad ito.
Heto naman ang naging mensahe ng panganay na kuya ni Kiana na si Paolo, “Ninang Nana goes back to the states tonight. Gonna Miss you, Love you”. Saad pa ni Paolo, isa umano sa mga masasayang araw na kasama niya ang bunsong kapatid ay ng mag-lockdown at manirahan nga ito sa kanila.
