Connect with us

Showbiz

Kilalanin Ang Talentadong Anak Ni Kara David At Ang Lalaking Nagbibigay Kasiyahan Sa Kanyang Puso

Published

on

Isa sa mga kilalang winning journalist at TV host ng programang i-Witness ay si Kara David. Isang Professor sa University of the Philippines ang kanyang amang si Emeritus Randy David, samantala ang kanya namang ina na si Karina Constantino-David ay dating Chairperson ng Civil Service Commission.

Bago maging isang journalist, ang una munang naging trabaho ni Kara David ay ang pagiging production assistant at researcher sa GMA network noong taong 1995. Siya ay kinakitaan ng potensyal sa pagiging TV host-journalist, kung kaya naman naibigay sa kanya ang pagkakataon na mag-host sa programang dokyumentaryo na OFW Diaries, I-Witness, Brigada ng GMA-7 network.

Taong 2018 ng ikasal si Kara David sa singer at song-writer na si LM Cancio, sa isang simpleng seremonya na ginanap sa St. James the Aposte Parish Church sa Guagua Pampangga.
Mag-schoolmates sina Kara at LM sa University of the Philippines, Diliman kung saan dito nakapagtapos si Kara bilang cum laude sa kursong Bachelor of Arts in Broadcast Communication. Sila ni LM ay naging magkasintahan noong taong 2015. Bago pa man ikasal kay LM ay may isa ng anak na 20-taong gulang si Kara sa dati niyang partner.

Ang madalas na libangan ng mag-asawang Kara at LM ay ang pagbibisekleta na nagsisilbing ehersisyo na rin sa kanila. Sa panayam noon kay Kara David ay ibinahagi niya kung paano nabago ng anak niyang si Julia ang kanyang buhay, kung saan ay dumami ang reyalisasyon niya sa buhay dahil sa kanyang anak.
“Nagbago ang buhay ko dahil kay Julia, before ako magbunt𝔦s sa kanya, hindi masyadong importante ang buhay, sobra akong happy go lucky noon na parang hindi ko masyadong iniisip yung future pero noong nagkaroon ako ng anak, naging nanay ako, parang lumaki yung mundo.”

Pakiramadam mo meron kang obligasyon na gawin maganda ang bansang ito kasi alam mong mamanahin ito ng anak mo.” Dagdag pa niya, “As in tahimik lang siya, pabayaan mo siya d’yan mag-aaral siya, hindi siya pasaway. Sobrang siyang complete opposite ng nanay niyang pasaway. Ang differences namin ni Julia, one, she’s very musically inclined, very talented siya sa music hindi siya sintunado katulad ko.”