Connect with us

Entertainment

Kilalanin Si Alejandro Davian Ang Unico Hijo Ng Napakaganda At Mahusay Na Aktres Na Si Denise Laurel

Published

on

Isa sa mga proud mommy ngayon sa kanyang anak ay ang celebrity mom na si Denise Laurel. Ang kanyang unico hijo na si Alejnadro Davian ay sampung taong gulang na ngayon. “Bukie” ang tawag ni Denise kay Alejandro, at noong baby pa ang anak ay tinawag niya itong kanyang ‘little warrior’.

Ayon kay Denise, kaya tinawag niyang little warrior ang kanyang unico hijo na si Bukie ay dahil ng malaman niya na ipinagbubuntis niya ito ay apat na buwan na ito sa kanyang sinapupunan, at ang naging ‘first trimester’ nga niya sa pagbubuntis dito ay hindi niya naranasan ang magkaroon ng prenatal care.

Sa Instagram account ni Denise ay ibinahagi niya kung gaano siya ka-proud sa kanyang unico hijo.
“This guy is up to sumthin good! So proud of this guy! He’s a trooper and a total pro!”, ang naging saad ni Denise sa kanyang post kung saan ay kalakip nito ay ang larawan nila ng kanyang anak na si Alejandro, at mapapansin nga na mas matangkad pa sa kanya ito sa edad nitong 10-taong gulang.

Makikita pa sa isang hiwalay na post ni Denise ang kanyang pagbabahagi na hindi siya makapaniwala sa mabilis na paglaki ng kanyang anak, at talaga namang napakabilis ng paglipas ng panahon.
Saad pa ng aktres, malaki ang pasasalamat niya sa Diyos dahil ibinigay nito sa kanyang buhay ang anak niyang si Bukie.

“I can’t believe it!”. “God is truly Amazing! Like i tell u every night bubbs u are The best gift God has ever blessed me with to treasure and take care of! I can’t thank Him enough! “Life goes by in a blink of an eye.. imma keep doing my best to not miss a thing! I love u and I’m proud of you! You are the light!

Samantala inilarawan naman ni Denise ang anak niyang si Alejandro na superhero book and toy enthusiast. Marami naman ang nagsasabi na silang mag-ina ay para lamang magkapatid. At kitang-kita naman talaga sa mag-ina kung gaano sila kalapit sa isa’t isa.

Para naman sa kaalaman ng lahat ang unico hijo ni Denise na si Alejandro ay may sariling YouTube channel at ito nga ay may titulong “The Bukie Channel.”