Connect with us

Showbiz

Kilalanin Si Andres Muhlach Ang Isa Sa Kambal Na Anak Ni Aga Muhlach

Published

on

Sino ba naman ang hindi mabibighani sa angking kagwapuhan ni Aga Muhlach. Isa lang naman siya sa mga aktor na sumikat at kinakikiligan noong dekada 80. Dahil rin sa kanyang taglay na kagwapuhan at karisma ay tinagurian siya bilang isa sa mga matinee idol ng kanyang henerasyon dahil sa marami ang mga kababaihan ang talaga namang nahuhumaling sa kanya.

Dahil sa kanyang kagwapuhan, sa murang edad niya ay agad siyang bumida sa mga iba’t ibang pelikula. Isa nga sa mga pelikulang kinabilangan ni Aga noon bilang isang child actor ay ang pelikulang “May Isang Tsuper ng Taksi” na napanood noong dekada 70. Kahit binata na ay tuloy pa rin ang magandang karera ni Aga. Napabilang nga siya sa isa sa mga sikat na youth -oriented show noon na “Bagets”, na naging daan nga upang lalo pa siyang sumikat bilang isang aktor sa industriya ng showbiz at makilala nga bilang isang matinee idol.

Matatandaan na ikinasal si Aga kay Charlene Gonzales, isang beauty queen turned actress noong taong 2001. Ang pagsasama nga nilang mag-asawa ay nabiyayaan ng kambal na anak, kung saan ito ay isang babae at lalaki na binigyan nila ng pangalan na Atasha at Andres. Halos ilang taon na rin ang matuling lumipas mula ng maisilang ang kambal na anak ng mag-asawa, at ngayon nga ay dalaga at binata na ang mga ito.

Hindi naman maitatanggi na tulad ng kanilang mga magulang ay maganda at gwapo ang kambal, at sa kanila ngang taglay na hitsura ay makikita ang kanilang pagkakaroon ng ‘artista genes’. Samantala, ngayon nga na ang anak na lalaki ng mag-asawa na si Andres ay binata na, ay mas lumitaw na ang taglay na karisma at kagwapuhannito. Kaya naman marami na rin ang humahanga rito.

Madalas nga na agaw-pansin si Andres, dahil tulad ng kanyang ama ay mala-heartthrob din ang kanyang dating. Bukod kasi sa pagkakaroon niya ng gwapong mukha, pagiging matangkad at magandang katawan ay pasok na pasok na maging isang modelo si Andres. Madalas na mag-workout at mag-basketball si Andres kaya naman hindi na kataka-taka ang pagkakaroon niya ng magandang pangangatawan.

Sa ngayon ay pag-momodelo ang karera na tinatahak ni Andres, at tila wala pa nga sa kanyang isipan ang pasukin ang pag-aartista. Siya ay nabibilang ngayon sa mga modelo ng sikat na clothing brand na Bench, sa katunayan nga ay nagkaroon pa siya ng billboard sa EDSA noong nakaraang taon na ikina-proud ng kanyang mga magulang.

Umani naman ng papuri mula sa mga netizens si Andres ng ipamalas niya noong buwan ng Abril sa isang summer campaign video ang kanyang taglay na kagwapuhan bilang isang modelo.
Mas prayoridad naman ni Andres ang kanyang pag-aaral, kaya naman wala pa rin sa plano nito ang pumasok sa pag-aartista.

Nagtapos ng high school si Andres at ang kakambal niyang si Atasha noong nakaraang taong 2020, at noon nga lamang buwan ng Enero ng kasalukuyang taon ay nagtungo ang binata sa Spain para doon mag-aral ng kolehiyo, dahilan nga para maging emosyonal ang kanyang inang si Charlene dahil ito ang unang pagkakataon na malalayo ang anak sa piling nila.