Inspiring
Kilalanin Si Kach Umandap Dating OFW Na Nakatravel Sa Mahigit 173 Na Bansa Sa Edad Na 33 Taong Gulang

Marahil lahat tayo ay nangangarap na makarating sa iba’t ibang mga bansa, ngunit hindi naman talaga ganun kadali ang mag travel around the world, dahil talaga namang malaki-laking halaga ang magagastos. Kaya naman talagang bibilib tayo sa isang dating OFW, dahil sa edad niya na 33 ay napuntahan na niya ang 173 na bansa sa pitong kontenente ng mundo.
Si Kach Umandap, ay dating OFW na hangad maging kauna-unahang Pinay na nakapag-travel around the world. Ilan sa mga napuntahan na niya ay ang mga bansang Mongolia (L) at Zimbabwe (R).
Nasa 173 na mga bansa na nga sa pitong kontenente ng mundo ang napuntahan ni Kach Umandap, at bago matapos ang taon ay balak niyang mapuntahan ang natitira pang 43-bansa na hindi pa niya nararating. Ito ang naging sambit ni Kach ng makapanyam siya sa GMA Public Affair noon lamang nakaraang buwan ng Abril 2022.
“Kapag natupad iyon, then I’ll make a record and become the first Filipina [with] a Philippine passport na makapagbiyahe sa lahat ng bansa sa mundo”, saad ni Kach. Ayon kay Kach, naging posible sa kanya ang makapunta sa iba’t ibang mga bansa lalo na noong bago magkaroon ng krisis, dahil sa noon ay kumikita nga siya Php500,000 o kalahating milyon kada buwan dahil sa kanyang pagiging travel blogger.
Dahil nga umano sa kanyang mga blog ay kumikita siya, at naiisponsoran siya nga mga hotels, airlines, at nabibigyan ng pocket money ng brands na itinatampok niya sa kanyang blog.
Ngunit ng magkaroon nga ng krisis, ay nabawasan ang kita ni Kach, kaya naman hindi niya nagawa agad ang mapuntahan ang iba pang mga bansa. Ngunit ayon nga sa kanya, ang makapag-around the world ay talaga namang childhood dream niya, kaya naman ito ay tutuparin niya. Kuwento ni Kach, bago maging isang travel blogger ay nag-OFW muna siya sa bansang Kuwait, ngunit taong 2013 ay nagdesisyon siyan magbitiw sa trabaho. Nasa ead 23 si Kach ng magsimula siyang kumita ng malaki, at taong 2014 ng simulan niya ang kanyang travel blog na nagtuloy-tuloy nga hanggang sa ngayon.
Saad ni Kach, bago pa man nga magsulputan ang napakaraming mga travel blogger ngayon, ay nauna na nga siyang magsimula noong taong 2014. At ang kanya ngang napangasawa na isang British national ay nakilala din niya sa kanyang pagta-travel dahil pareho nga sila ng hilig. Sa kasalukuyan ay talaga namang napakaganda ng buhay ni Kach, dahil sa edad niyang 33 ay mayroon na siyang sarili niyan bahay sa Herceg Novi sa Montenegro, at may sariling travel and immigration services. Ang kanya ring travel program sa Kumu app ng ABS-CBN ay nagsimula na din.
Inihayag naman ni Kach sa GMA-7 na sa bandang huli ay ang bansang Pilipinas pa rin ang kanyang uuwian. Sa katunayan pa nga, kahit saang bansa nga siya mapadpad, una-una niyang hinahap ay ang mga kapwa niya Pilipino at maging mga pagkaing Pilipino. “Hinahanap ko kung saan ako makakakain ng Filipino food,” nangingiti niyang sabi. “Puwede mo akong tanggalin sa Pilipinas, pero hindi mo puwedeng tanggalin ang pagiging Pilipina sa akin.”
