Connect with us

Entertainment

Kilalanin Si Katrina Gumabao Ang Modelong Kapatid Nina Michelle At Marco Gumabao

Published

on

Si Marco Gumabao ay kilalang aktor sa industriya ng showbiz, at isa sa mga hinahangaan dahil maliban sa taglay na husay sa pg-arte ay talaga namang may angkin rin itong kagwapuhan na nagbibigay kilig sa maraming kababaihan.

Ang nakatatanda naman niyang kapatid na si Michelle Gumabao ay unang nakilala bilang isang mahusay na volleyball player ng DLSU Lady Spikers, ngunit mas lalo pa nga itong nakilala ng publiko ng pasukin nito ang mundo ng pageantry matapos niyang maging kandidata sa Miss Universe Philippines 2020.

Sa kabila naman na hindi nauwi ni Michelle ang korona at titulo ng nasabing pageant ay nag-iwan pa rin naman siya ng magandang marka sa pageant world.

Samantala, tila naman nasa dugo na talaga ng mga Gumabao ang pagiging talentado pagdating sa iba’t ibang larangan. Dahil ngayon, maliban kana Michelle at Marco, ay hinahangaan na rin ngayon ang isang miyembro ng kanilang pamilya dahil sa taglay nitong ganda at talento.

Si Katrina Gumabao ay isa sa mga kapatid nina Marco at Michelle na ngayon ay gumagawa na rin ng sarili nitong pangalan sa fasion industry bilang isang plus-size model. Siya ay isang fasion model, ngunit maliban pa dito ay kilala rin siya bilang isang mahusay na make-up artist at talent manager ng kanyang mga kapatid.

Noong taong 2016 ng ganapin ang kauna-unahang plus-size fasion festival sa Australia na “Melbourne Fasion Week Pkus”, kung saan ay sumali nga si Katrina. Taong 2017 ay nakuha bilang modelo ng isang sikat na plus-size clothing company si Katrina, at ito nga ay ang Torrid.

Kinuha siyang modelo ng mga ito para rumampa sa New York Fasion Week 2017, kung saan dahil sa kanyang ipinamalas na pagrampa ay talaga namag marami ang mga Pinoy ang hinangaan siya at na-inspire sa kanya.

Lingid sa kaalaman ng marami, ay isa ring body-positive ang kapatid na ito nina Marco at Michelle, dahil sa social media account ni Katrina ay makikita ang panghihikayat niya sa maraming tulad niya na maging proud sa sarili anuman ang hugis ng iyong katawan.

Hindi naman ibig sabihin na dahil plus-size model siya ay isinusulong niya ang pagkakaroon ng “unhealthy lifestyle”, dahil ayon kay Katrina maging siya ay may workout routine din na sinusunod.
Sa kabila nito, para kay Katrina ay hindi ang pagbabawas timbang ang gamot para mawala ang negative body image ng isang tao, kundi ang pagkakaroon ng kumpyansa sa sarili.

Isa nga si Katrina sa mga, ngayon ay nagbibigay kumpyansa at inspirasyon sa mga taong nahihirapan maalis ang negatibong pananaw sa kanilang katawan. Ang magkakapatid na sina Katrina, Michelle at Marco Gumabao ay anak ng dating congressman at aktor na si Dennis Roldan. Tiyahin rin nila ang isa sa mga batikang aktres sa mundo ng showbiz na si Isabel Rivas, kaya naman masasabi natin na mula rin talaga sila sa angkan ng mga artista.