Connect with us

Uncategorized

Kilalanin si Marthena Jickain Ang Bunsong Anak Ni Aiko Melendez Na Taglay Rin Ang Kagandahan

Published

on

Isa na naman anak ng kilala at sikat na aktres ngayon ang agaw-pansin ang kagandahan sa social media, at ito nga ay ang bunsong anak ni Aikso Melendez na si Marthena Jickain.

Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang aktres sa industriya ng showbiz. At hindi maipagkakaila na ang kanyang taglay na husay sa pagiging isang artista ay talaga namang hinangaan ng maraming mga manonood noon hanggang sa ngayon. Maliban pa sa husay at talento bilangn isang aktres, ay isa rin si Aiko sa mga aktres sa showbiz na may kabigha-bighaning ganda, na hanggang ngayon nga ay wala pa ring kupas.

Samantala, ngayon nga ay isa ng celebrity mom si Aiko. Siya ay mayroon ng dalawang anak, kung saan ang kanyang panganay na anak ay isang lalaki na nagngangalang Andrei Ylana, na ang ama nga ay ang aktor na si Jomari Ylana, at ang bunso naman niyang anak ay isang babae at ito nga ay si Marthena Jickain na ang ama ay ang huli niyang nakarelasyon na si Martin Jickain.

Apat na taon ang naging pagsasama nina Aiko at Martin, ngunit ang apat na taon na ito ay nauwi rin sa hiwalayan, sa kabila nito nagkaroon naman ng bunga ang naging pagmamahalan ng dalawa, at ito nga ay ang bunsong anak na ngayon ng aktres, na si Marthena.

At ngayon nga na ang bunsong anak ni Aiko na si Marthena ay nagdadalaga na. At tulad nga ng kanyang celebrity mom ay nagtataglay rin ng angking kagandahan si Marthena, lalo na’t marami ang nagsasabi na malaki ang pagkakahawig nito sa kanyang ina.

‘Like mother like daughter’ nga naman ang taglay na kagandahan ni Aiko at ng kanyang bunsong anak na si Marthena Jickain na makikita sa mga larawan ng mag-ina sa social media.

Marami sa mga nakapansin ng taglay na kagandahan ni Marthena ang nagsasabi na sakaling pasukin nito ang mundo ng showbiz at sundan ang yapak ng ina, ay malaki ang posibilidad na agad itong makapasok sa pagiging isang artista.

Base naman sa iba pang mga ulat at delatalye patungkol kay Martina, ay hind inga lamang basta maganda ang bunsong anak na ito ni Aiko, dahil maliban sa kagandahan ay aktibo rin ito sa kanilang paaralan, at isa pa ngang volleyball player.

Sa kasalukuyan ay patuloy na aktibo si Aiko Melendez sa kanyang karera sa showbiz. Ang kanyang husay at galing bilang isang aktres ay patuloy nating nasisilayan, dahil napapanood pa rin natin siya sa ilang mga serye at pelikula sa Kapuso network.

Kamakailan nga lang ay ginulat ni Aiko ang kanyang mga tagahanga ng ibida niya sa kanyang Instagram ang kanyang bagong awra ngayon, kung saan ay seksing-seksi na nga siya. Ipinakita ni Aiko ang isa niyang larawan na tila nga siya isang high school, na siya ngang naging resulta ng fitness journey na kanyang ginawa .