Connect with us

Entertainment

Kilalanin Si Sinon Loresca O Nakilala Bilang Si Rogelia Sa Segment Na Kalyeserye Noon Ng Eat Bulaga

Published

on

Ang Kalyeserye ay isa sa mga naging popular na segment ng longest-running noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga. At isa nga sa mga naging parte nito noon ay si Sinon Loresca o mas nakilala nga sa nasabing segment bilang si Rogelia. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami sa atin na bago pa man mapasok sa segment na Kalyeserye si Sinon Loresca at gampanan nga ang pagiging si Rogelia na body guard nina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tinidora (Jose Manalo) at Lola Tidora (Paolo Ballesteros), ay nakilala na siya online dahil sa kanyang mga nakakaaliw na catwalk vidoes.

Naging daan naman nga ang pagiging kilala niya online dahil sa kanyang mga catwalk videos para mapasok niya ang Eat Bulaga, at mapabilang nga sa segment nitong Kalyeserye.Sa totoong buhay ay makikita na mukhang action star ang awra ni Sinon Loresca, ngunit siya nga ay may pusong mamon. Ayon sa kanya, bata pa lamang siya ay alam na niya na ang pagkakaroon niya ng pusong mamon, at ito nga ay hindi niya itinago kailanman. Ngunit pag-amin niya, hindi tanggap ng kanyang mga magulang ang pagkatao niya, kung kaya naman palagi siyang pinapabayaan ng mga ito.

Ibinahagi rin ni Sinon, na bata pa lamang siya ay pangarap na niya ang maging isang artista, kaya naman idinaan niya ang pagtupad ng kanyang pangarap sa pag-upload ng kanyang mga nakakaaliw na video, at doon na nga siya nagsimulang makilala ng publiko hanggang sa maimbitahan na nga siya sa segment na Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Bago pa man napadpad sa Maynila si Sinon ay nanirahan siya noon sa Masbate. Lumuwas siya ng Maynila para maghanap ng oportuidad, at sa tulong ng kanyang mga kapatid ay nakapagtrabaho siya sa London, kung saan doon nga niya nakilala ang British na kanyang pinakasalan.

Samantala, makikita naman sa socmed account ni Sinon ngayon na aktibo pa rin siya sa kanyang ginagawang pagrampa suot nga ang kanyang high heels. At dahil sa isa din siya sa mga indibidwal na lumaki sa kahirapan, ay taglay din ni Sinon ang pagiging matulungin sa kanyang kapwa, lalo na nga sa mga batang kalye o di kaya naman sa mga taong nangangailangan.

Sa naging pahayag noon ni Sinon, ay ibinahagi niya naman na ang kahirapan na kanyang naranasan sa kanyang buhay ay naging inspirasyon niya para mas lalong magsikap para masustentuhan ang kanyang pansariling pangangailangan at ganun ang kanyang pamilya.

“When I was in London I did w𝔬rked in the fashion industry as a s𝔞les associ𝔞te. I w𝔬rked so hard to pr𝔬vide what I need for myself and for my family. The l𝔦fe that I had in the Philippines was my insp𝔦ration to take every opportun𝔦ty that I had as a prec𝔦ous g𝔬ld.” “Str𝔢ngth comes from struggl𝔢. When you l𝔢arn to see your struggl𝔢s as opportuniti𝔢s to become strong𝔢r, b𝔢tter, wis𝔢r, then your thinking shifts from “I can’t do this” to “I must do this”, ani Sinon.