Connect with us

Entertainment

Kiligin Sa Mala Romeo At Juliet Na Pictorial Ng Tambalang Andrea Brillantes At Seth Fedelin

Published

on

Maliban sa sikat na loveteam ngayon na KathNiel (Kathryn Bernardo,Daniel Padilla) at LizQuen(Liza Soberano, Enrique Gil), ay isa na rin sa talaga namang nagbibigay kilig sa mga manonood ay ang tambalang “SethDrea” ng seryeng Kadenang Ginto, kung saan ay pagtatambal ito nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes.

Matatandaan na nagsimulang mabuo ang loveteam nina Andrea at Seth noong bumida ang nasabing teen actress sa teleseryeng “Kadenang Ginto”, na talaga namang pumatok sa panlasa ng mga manonood ang magandang istorya nito, maging ang mga karakter na gumanap dito.

Bago pa man mapasok si Seth sa nasabing serye at maging katambal ni Andrea, ay inuuna muna itong kilala bilang isa sa mga naging housemates noon ng Pinoy Big Brother: Otso edition.

Nasa isang taon na ngang magkatambal sina Andrea at Seth, ito ay dahil sa talagang bagay na bagay ang kanilang chemistry na dalawa, kaya naman ang mga tagahanga nila, ay hindi mapigilan ang kilig sa tuwing nakikita na silang dalawa ay magkasama.

Noong Halloween ay muling pinakilig nina Andrea at Seth ang kanilang mga tagahanga, matapos nilang hindi magpahuli, sa naging awrahan nila para sa pagdiriwang ng Halloween.

Makikita sa Instagram post ng teen actress na si Andrea Brillantes ang kanyang naging pagbabahagi ng kanilang nakakakilig na pictorial shoot ni Seth, kung saan ay nag mala-Romeo at Juliet sila, na tulad nina Leonardo Dicaprio at Claire Danes noon sa pelikula ng mga ito.

Nang makita nga ng mga tagahanga ng dalawa, ang talaga namang nakakakilig na mga larawan nila, ay marami sa mga ito ang hindi napigilang kiligin, at mapa-Sana All, sa sobrang tamis ng tinginan ni Andrea at Seth sa kanilang mga larawan.

“SANAOL SANAOL SANAOL” “Omg, mapapa sana all ka na lang talaga.” Samantala, ipinagdiriwang na rin nina Andrea at Seth, ang unang anibersaryo nila bilang magka-love team, kung saan ay pinasasalamatan ng teen actress si Seth, dahil sa ito ang kanyang naka-loveteam sa natapos na nilang serye na “Kadenang Ginto.”

“Eto yung unang araw na nakatrabaho kita. Napakagaling mo at napakasaya mo kasama. I’m happy na sa’yo napunta ang role na ‘yan at ikaw ang kasama ko nakakatawa na one year na tayo magkasama at ang SethDrea fam”, ang naging saad ng ani Andrea sa kanyang IG post.

Pinasalamatan din ni teen actress Andrea Brillantes, ang lahat ng mga sumuporta at nagmahal sa kanilang tambalan ni Seth, lalong lalo na ang kanilang mga tagahanga.
“Maraming salamat po sa nagmamahal at sumusuporta sa aming dalawa! Palagi po naming pagbubutihin. Let’s stay strong.”

Sa ngayon, ay muling abala ang SethDrea, sa bagong proyekto na kanilang ginagawa, at ito nga ay isang bagong teleserye na pinamagatang “Huwag kang Mangamba”, kung saan ay muli nilang makakasama ang kaibigan din nila sa showbiz na sina Francine Diaz at Kyle Echarri, na kasama na rin nila noon sa Kadenang Ginto.