Connect with us

Entertainment

Komedyanteng Aktor Na Si Jimmy Santos Ipinasilip Ang Pagsa Sideline Sa Palengke Na Ikinaaliw Ng Kanyang Mga Tagahanga

Published

on

Si Jimmy Santos o sa tunay na buhay ay si Jaime Santos ay kilala ng publiko bilang isang TV host at isa ring mahusay na komedyante sa mundo ng showbiz. Kabilang siya sa mga matatagal ng host ng longest noontime show na Eat Bulaga ng GMA network kung saan ay kasama niya ang mga bigating personalidad sa showbiz at mga popular na TV host din sa telebisyon na sina Vic Sotto at Joey De Leon.

Nagsimulang sumabak si Jimmy sa mundo ng showbiz noong taong 1970, kung saan ay nauna niyang nakasama sa proyekto ang batikang aktore na si Fernando Poe Jr. Mas lalo pa ngang namayagpag ang kanyang karera pagsapit ng dekada 80, nang simulant na niya ang pagkokomedya. Siya ay napabilang sa isa mga nakaka-aliw na show noon sa telebisyon ang Iskol Bukol at T.O.D.A.S: Television’s Outrageously Delightful All-Star Show.

Marahil ay marami naman sa atin ang hindi nakakaalam na noon ay isang mahusay na basketbolista rin si Jimmy Santos, dahil bago pa man niya pasukin ang pag-aartista ay una muna siyang nagpakitang gilas bilang isang basketbolista.

Samantala, ngayon nga ay isa sa mga nauusong pinagkakaabalahan ng mga artista ay ang pagba-vlogging, at maging si Jimmy nga ay pinasok na rin ang mundo ng vlogging kung saan ngayon ay may sarili na rin siyang YouTube channel.

Sa ngayon nga ay mapapansin natin na hindi na gaanong aktibo si Jimmy sa kanyang karera sa showbiz, kaya naman pagba-vlog muna na ang kanyang pinagkakaabalahan at dito nga niya ibinabahagi ang mga nagiging kaganapan ngayon sa kanyang buhay.

Kahit bihira nan gang lumabas sa telebisyon, ay masaya pa rin si Jimmy sa buhay niya ngayon, kung saan ito ay simple. Siya ay naninirahan ngayon sa Angeles City sa Pampangga.
Nito nga lamang nakaraan ay may panibagong vlog na ini-upload si Jimmy sa kanyang YouTube channel, kung saan ay sinama niya ang kanyang mga tagahanga at tagasubaybay sa public market ng kanilang lugar.

Ipinakita niya kung paano siya nakikihalubilo sa kanyang mga kababayan, at kung ano rin ang ginagawa niyang sideline kapag siya ay nasa palengke. Makikita sa video na ini-upload ng 69-taong gulang na komedyante na agad nitong kinamusta ang mga taong nasa palengke na kitang-kita nga na abala sa kanil-kanilang mga hanapbuhay.

Matapos nito ay nagsimula na nga siyang tumulong sa isang meat delear sa paghihiwa ng karne habang nakikipagbiruan sa mga tao roon. Dahil naman sa nasaksihan ng maraming mga tao sa palengke ang walang karate-arteng kilos ni Jimmy sa palengke ay talaga namang hindi maitago sa mga tao roon na hangaan ang personalidad na mayroon ang komedyante.

Marami ngang mga netizens ang naaliw at nabigyang kasiyahan ni Jimmy sa kanyang vlog na ito, ngunit mas marami sa mga netizens na ito ang hinangaan siya dahil sa kanyang pagiging simple at mapagkumbaba.

“Eto po ang halimbawa kung paano mag-entertain nang hindi nanlalait ng ibang tao. Maraming salamat po Tito Jimmy!” “Jack of all trades! Masipag talaga c Jimy Saints natin. Will wait how you do your palengle sideline. Nakakaaliw! More to learn from you Big Beautiful Boy of the Philippines.”

“Completos recados ang inyong blog Kuya Jimmy. May sangkap ng history, hinaluan ng reality mula sa iyong mga interviews sa mga kababayan natin kung ano ang kanilang paghahanap buhay ngayon. At higit sa lahat ay may karagdagan pang mga nakakaaliw mong jokes na kwelang kwela, parang spices na nakakagana sa amin para lalo ka naming tangkilikin. Completos recados talaga. Wala ka nang hahanapin pa. keep it up Kuya Jimmy, my idol.”

Isa nga si Jimmy Santos sa mga artista sa showbiz na sa kabila ng kasikatan na tinamasa noong kanyang henerasyon ay hindi naman nagbago ang kasimplehan ng kanyang buhay kung saan ay napanatili iya ang pagiging may mabuting loob at mapagkumbaba kaya naman talagang siya’y isa sa mga kahanga-hanganga personalidad sa showbiz.