Connect with us

Entertainment

Kris Aquino Namigay Ng P10,000 Sa 21 Maswerteng Followers Kaarawan Ng Kanyang Anak Na Si Bimby

Published

on

Kamakailan nga lamang ay nagdiwang na ng ika-14 taong kaarawan si Bimby ang anak ng dating mag-asawa na sina Kris Aquino at James Yap.Sa kaarawan ng kanilang anak, ay may kanya-kanyang naging pagbati ang dating mag-asawa kay Bimby. Si James Yap ay binati ang anak sa pamamagitan ng pagbabahagi ng throwback photo nilang magkasama, at kalakip ng nito ay ang kanyang mensahe para kay Bimby.

“Happy 14TH Birthday Bimb. I love you no matter what! Wishing you all the best in life can offer. God bless you”, caption ng PBA player sa kanyang naging IG post.

Batid naman ng marami sa atin, na madalang na ngang magkita ang mag-amang James at Bimby, kaya naman karamihan sa mga mababasang komento sa naging post na ito ni James ay hinihiling na sana ay mabigyang muli ng pagkakataon na magkasama at magkita ang mag-ama upang makapag-bonding naman ang mga ito.

Samantala, makikita naman sa Facebook page ni Kris Aquino ang naging pamimigay nito ng salapi sa kanyang mga followers bilang bahagi nga ng pagdiriwang nila ng ika-14 taong kaarawan ng anak niyang si Bimby.

Base sa naging ulat, ay 21 ang maswerteng binigyan ni Kris ng salapi na nagkakahalaga nga ng P10,000 kada isang tao na talagang tumututok sa social media account niya. Matatandaan naman na noong nakaraang taon ay ipinagdiwang ni Bimby ang kanyang kaarawan sa Puerto Galera, kung saan ay inabutan sila doon ng enhanced community quarantine dulot nga ng krisis.

Sa ngayon naman ay mapapansin nga na bibihira na lamang magbahagi si Kris ng mga kaganapan sa buhay niya at ng kanyang mga anak, ito ay dahil sa nagdesisyon nga siya na limitahan ang nagpopost ng mga nangyayari sa kanila para na rin maiwasan ang mga kanegahan sa social media.

Minsan na kasing naging laman ng headline ang kanyang mga anak, ito ay matapos mabiktima ng pagbu-bully ang mga ito sa social media na agad naman ngang binuweltahan ni Kris noon.
“They will have enough privacy, but you cannot see them as often as you used to”, ang naging pahayag nga ni Kris matapos ang insidenteng bullying sa socmed sa mga anak niyang sina Josh at Bimby.