Connect with us

Entertainment

Kris Bernal Ibinahagi Ang Kanyang Magiging Plano Sa Ipapatayong Dream House Ng Kanyang Ina

Published

on

Nalalapit na nga ang paglagay sa tahimik ng aktres na si Kris Bernal, o ang magiging pagpapakasal nito, at kasabay ng pagpaplano sa kanyang nalalapit na kasal, ay ang pagpaplano na rin niya ng ipinatayo niyang dream house.

Ayon nga sa aktres, ay excited na siya na naipatayo ang kanyang dream house, dahil sa ang disenyo at ideya nito, ay mula pa sa kanyang ina na si Mommy Analyn.

Sa latest vlog na ibinahagi ni Kris noong ika-18 ng Oktubre ay sinabi ng aktres nab ago magpakasal, ay nais nila ng kanyang fiancée na si Perry na mayroon na agad silang bahay na matutuluyan nila pagkatapos ng kanilang kasal

“Before getting married, gusto namin ni Perry na meron na kaming house. Iyon iyong plan talaga”, saad ni Kris.

Ibinahagi rin ng aktres sa kanyang latest vlog, na ang kanilang dream house ay itatayo sa lupa na bunga ng kanyang pagigingi isang artista. Ito ay binili ng kanyang ina noong taong 2014, kung saan ay ito pa ang nagma-manage ng pera niya noon, dahil sa bata pa siya ng siya’y pumasok sa showbiz industry.

“In fairness naman kay Mommy, talagang isa sa mga good decisions talaga naming and goos investment naming itong lot na nabili namin”, kwento pa ng ani Kris.

Base nga sa naging pagbabago ni Kris, ay anim na taon na ang lumipas ng mabili nila ang nasabing lupain, at ayon naman sa ina ng aktres, noon pa man ay mayroon na siyang plano at naiisip na disenyo para sa bahay na itatayo nila roon.

Sabi pa ni Mommy Analyn, ngayon na ikakasal na ang kanyang anak na si Kris, ay naisip niya na mas mainam na kana Kris at Perry mapunta ang nasabing lupain.

kung saan ay sinabi din niya na ang nais niya lang ay ang maging isa sa mga nagbibigay ideya at disenyo sa magiging bahay ng kanyang anak, dahil sa ang nais niya ay isang “perfect home” para kay Kris.

Ayon pa nga sa aktres, nag-request umano ang kanyang Mommy Analyn sa kanyang fiancée na si Perry, na kung maaari ay kasama siya sa magpaplano ng magiging disenyo at hitsura ng bahay na ipapatayo nila.

Samantala, ng pag-usapan na ng mag-ina ang magiging plano ng bahay, ay sinabi ng mga ito na noong una ay “modern Mediterranean” ang nais na disenyo ni Mommy Analyn sa ipapagawang bahay ng anak nito na si Kris, ngunit ito ay nagbago, hanggang nagdesisyon nga na isang “Zen House Design” na lamang na bahay ang ipagawa ng aktres.

Ipinakita ng ani Kris Bernal sa kanyang vlog ang larawan ng plano ng kanyang ipapapagawang “dream home” na mismong si Mommy Analyn ang nag-drawing

Ayon nga kay Kris, ang magiging plano ng “dream home” niya, ay tatlong palapag na bahay, na halos kumpleto sa lahat, dahil sa ito’y mayroong swimming pool, lanai, theater room, office, playroom guest room, gym, master bedroom, kitchen, dining, ulility room,, maid’s room, laundry area, driver’s room, linen room, at syempre hindi mawawala nag walk-in closet na talaga namang pinapangarap ni Kris.

Ayon naman kay Kris, ay nangako ang kanyang fiancée na si Perry na hindi ito mangingialam sa nais nilang mag-ina na magiging disenyo ng kanilang bahay, basta ang hiling lang nito ay maging “nice-looking” ang kitchen, ito ay dahil nga sa isa siyang chef.

Pagdating naman sa nalalapit na pagpapakasal ni Kris, ay isa lang ang “say” ni Mommy Analyn at ito ay;m“Basta nag-start na iyong construction, e, di magpakasal na kayo ni Perry.”

“Pwede na nga kayo magpakasal by next year, early next year. Basta huwag lang this year 2020 kasi 2020 is not a good year.” Base nga sa naging “say” ni Mommy Anlayn, ay malamang na sa unang buwan ng susunod na taon mangyari ang kasal ni Kris Bernal at ng fiancée nito na si Perry Choi, na isang chef-restaurateur.