Showbiz
Kris Bernal Isang Buwang Magbabakasyon Kasama Ang Mister Para Mag Honeymoon

Sa buhay mag-asawa, tunay namang mahalaga na isa sa mga pinakamahalagang pag-usapan at pagplanuhan ay ang pagkakaroon ng anak, kaya naman ang aktres na si Kris Bernal at ang kanyang mister na si Perry Choi ay pinaghahandaan ang proyekto nilang mag-asawa at ito nga ay ang tinawag nilang “Project Baby No. 1”.
Matatandaan na noong nakaraang taon ng ikasal ang mag-asawang Kris Bernal at Perry Choi, kung saan ilang beses pa ngang na-delay ang kanilang kasal na mag-asawa dahil sa naging pagsiklab ng krisis sa bansa. Ang pagkakaroon din ng krisis sa ating bansa ang dahilan para maudlot din ang dapat ay honeymoon ng mag-asawa matapos ng kanilang kasal.
At dahil nga sa pagka-delay ng kanilang honeymoon, ngayon ngang nalalapit na buwan ng Hunyo ay plano na nga ng mag-asawang Kris at Perry na ito ay kanilang ituloy. Kaya naman ayon nga sa aktres, ay mga isang buwan silang magbabakasyon ng mister para sa kanilang honeymoon. “Gusto muna naming mag-honeymoon talaga since hindi naman nangyari after the weddig”, kuwento ni Kris.
Tila nga planado na talaga ng mag-asawa ang mga magaganap sa kanilang magiging honeymoon, dahil ayon pa nga kay Kris ay susubukan na din nila ng mister niya na bumuo ng baby sa magiging honeymoon nila. “Magbabakasyon kami for a month in June. After that susubukan namin magkaroon ng baby”, dagdag na saad pa ng aktres.
Samantala, dahil nga sa plano nila na ito ng kanyang mister sa ngayon nga ay pokus si Kris sa kanyang trabaho upang sa mga darating na taon ay ang tanging pokus na nga lamang niya ay ang pamilya na bubuuin nila ng kanyang asawa. Ibinahagi din ni Kris na sa kabila ng pagiging abala niya sa kanyang showbiz career ay mayroon na rin silang bagong negosyo na mag-asawa na pinagtutulungan nilang palaguin, at ito nga ay ang kanilang restaurant na parang style international buffet.
Marami naman sa mga kaibigan at tagahanga ni Kris ang labis na na-excite at nasiyahan sa balita na ito, dahil ayon nga sa kanila sa wakas ay handa na ngang tahakin ng aktres ang panibagong journey at ito nga ay ang motherhood.
Si Kristine Ann Tan Bernal o mas nakilala ng publiko bilang ang aktres na si Kris Bernal ay isinilang noong ika-17 ng Mayo taong 1989. Siya ay nagsimula sa kanyang showbiz career ng manalo siya sa ika-4 na season ng reality-based talent search ng GMA network na Starstruck. Mas lalo pa ngang naging matunog ang kanyang pangalan ng maka-loveteam niya ang aktor na si Aljur Abrenica, kahit naman naghiwalay ang landas nila ng dating ka-loveteam ay nagpatuloy naman ang kasikatan at mga proyekto ni Kris lalo na ang mga pinagbidahan niyang soap opera.
