Connect with us

Entertainment

Kylie Versoza Naging Bukas Na Sa Publiko Ang Hiwalayan Nila Ni Jake Cuenca Ngunit Inamin Na Namimiss Pa Rin Ang Aktor

Published

on

Matapos nga ang hiwalayan nila ng aktor na si Jake Cuenca, ay nito lamang nakaraan ay naging bukas na ang aktres na si Kylie Versoza sa usaping ito, at ito nga ng siya ay makapanayam ng komedyanteng si Vice Ganda.

Kamakailan nga lamang ay nakapanayam ni Vice ang beauty queen -actress na si Kylie Versoza, at sa pambihirang pagkakataon nga na ito, ay nagbahagi na ito ng kanyang saloobin ukol sa naging hiwalayan nila ng dati niyang nobyong aktor na si Jake Cuenca. Pag-amin nga ni Kylie, hanggang ngayon ay pino-proseso pa rin niya ang kinahinatnan ng relasyon nila.

“Pina-process ko pa talaga lahat. Process siya. Hindi siya biglaan”, pagbabahagi ni Kylie.
Dagdag na saad pa niya, hanggang ngayon ay talaga namang masakit pa rin para sa kanya ang nangyari.
“Siyempre bago pa lang eh, tsaka masakit pa rin. Minsan, especially, kapag pagod ka na hindi siya mahe-help na balikan. Doon ako nalulungkot pa rin” pahayag pa nga ng aktres.

Pagbabahagi pa ni Kylie, talaga namang nasa proseso pa rin siya ng pagtanggap sa kinahinatnan ng relasyon nila ng dating nobyo, lalo pa nga’t inakala niya na hindi na siya makakaranas ng heartbreak rito at akala nga niya ay ito na ang makakasama niya habang-buhay.
“Akala ko siya na.”

“Akala ko hindi na ako magkakaroon ng heartbreak. Akala ko siya na. Tsaka nagmahalan kami eh. We loved each other. Sobrang happy kami sa relationship and sobrang grateful ako sa relationship namin, sobra.”

Sa panayam rin nga na ito ni Vice kay Kylie ay naibahagi rin ng beauty queen-actress kung bakit mas pinili niya ang manahimik na lamang sa gitna nga ng isyu ng naging paghihiwalay nila ng aktor. At ayon nga kay Kylie, ito ay dahil sa “in shock” pa nga siya at ayaw niya umano na makapagbitiw ng salita na sa huli ay baka pagsisihan niya.

“Kasi sobrang fresh, sobrang bago. Tsaka parang hindi ko pa talaga na-process lahat nung bagay. Tapos hinayaan ko lang. In shock [pa ako] and ayaw kong magbitaw ng mga salita na pagsisisihan ko sa dulo. Kapag hindi ko pa na-fully process, hindi ko pa masasabi, hindi ko pa sasabihin,” saad ni Kylie.

Matatandaan na bago pa man nga ang naging pagsasapubliko ni Jake Cuenca ng hiwalayan nila ni Kylie, ay nauna ng naging usap-usapan ang at naging laman ng balita ang aktres ito ay matapos nga nitong maging emosyonal nung maging paksa ang ‘hiwalan’ sa live episode ng programang It’s Showtime. Ayon nga sa aktres, noong mga panahon na ‘yon ay wala pa siyang ibang napagsasabihan ukol sa pinagdadaanan niyang heartbreak.