Connect with us

Inspiring

Lalaking Elementarya Lang Ang Tinapos Isa Ng Kilalang Milyonaryo Ngayon Dahil Sa Kanyang Naging Pagsusumikap Sa Buhay

Published

on

Alam natin na ang pagkakaroon ng maganda at mataas na edukasyon ay isa na sa mga batayan ngayon upang magkaroon ng isang magandang trabaho. Lumaki nga ang marami sa atin sa ideyang gaganda ang ating buhay at magkaroon tayo ng maayos na karera kapag inayos natin ang ating pag-aaral dahil sa ito ang magiging susi natin sa ating tagumpay, na sadya namang totoo.

Ngunit hindi nga naman lahat sa atin ay nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng magandang edukasyon, ang iba pa nga ay hindi pa nabibigyan ng pagkakataon na nakatungtong man lang kahit sa high school o kolehiyo.

Magkaganon man ay hindi naman naging hadlang ang kakulangan nila sa edukasyon upang hindi nila maranasan ang maging matagumpay sa buhay, dahil minsan ang tagumpay ay nakukuha din ng isang taon kung ito ay marunong magpursige, magsumikap at may tamang diskarte.

Isa na nga lamang ang halimbawa nito ay ang kwento ng buhay ng lalaking nakilalang si Saipol Azmir Zainuddin, na mula sa bansang Malaysia. Ayon sa naging ulat, noon ay namasukan bilang isang construction worker ang naturang lalaki upang tulungan ang kanyang pamilya, dahil nga sa kahirapan ng buhay na kanilang nararanasan.

Noon pa din ay malinaw na sa kanya, na ang tanging nais lamang niya sa buhay ay maging isang farmer o magsasaka, at ito nga ang tanging pinapangarap niya. “Although I dropped out of school way earlier than my friends, that didn’t break my spirit, because being a farmer s always been my dream”, wika nito.

Sa murang edad nga na naghahanap buhay na, ay naging wais siya sa pag-gamit ng pera ng kanyang kinikita. Ito ay dahil mula sa kanyang sinasahod sa pagiging construction worker ay nagsimula siyang mag-ipon, at bawat naiipon nga niya ay binibili niya ng baka.

Dahil sa kanyang pagiging masinop sa pera ng kanyang sinasahod, sa edad niyang 18-taong gulang ay nakabili na siya ng tatlong daang piraso na mga baka, at dito nga nagsimula sila ng kanyang ama na magtayo ng isang farm.

At sa edad niyang 19, ay naging stable na nga ang kanyang buhay dahil sa kanyang naging pagsisikap at pagpupursige. Nakapag Pundar siya ng bahay at sasakyan.

Mas napalago pa niya ang kanyang Farm sa tulong ng iba pang government agencies sa Malaysia at nang siya nga ay makapag loan ng RM 100,000 sa isang Farmer Organization sa nasabing bansa.
Bukod nga sa kanyang pagpapayaman, ay sigurado naman niya na hindi niya napapabayaan ang kanyang mga alaga, dahil sa nais niya nga talagang maging matagumpay pagdating sa pangarap niyang maging isang farmer.

Samantala, dahil sa kanyang pagiging isang matagumpay na farmer, taong 2017 ay halos nagawa niyang kumita ng RM1000,000 o ang katumbas ng ang salapi sa Pilipinas ay P13,000,000. Sa kanya ng ang naging tagumpay sa buhay, ay naging bukas din siya na makatulong sa mga taong nagnanais na matuto at may interes sa negosyong pagsasaka, at ang mga ito nga ay kanyang tinutulungan at tinuturuan, para maging isang matagumpay din na farmer tulad niya.

Talaga namang hindi inakala ng marami na ang isang batang hindi nakapagtapos o nakatungtong lamang ng kolehiyo ay pagtatamasa ngayon ng tagumpay sa buhay, at halos nga triple pa ang kinikita kumpara sa mga taong mayroong mataas na edukasyong natapos.

Tunay nga naman na ang pag-asenso ng buhay ng isang tao ay hindi lamang pwede ibase sa taas ng kanyang pinag-aralan, dahil basta’t nagsusumikap, may sipag at tiyaga ay hindi magiging imposible na ang tagumpay sa buhay ay maaari pa ring makamtan.