Connect with us

Inspiring

Lalaking Nakaranas Ng Pangungutya Dahil Sa Pangongolekta Ng Mga Gomang Gulong Akalain Niyong Isa Ng Milyonaryo Ngayon

Published

on

Dahil sa nararanasang kahirapan, ay marami sa mga tao ang nag-iisp ng kani-kanilang paraan upang sila ay mabuhay. At upang ang kahirapan nga ay maalpasan at magkaroon ng maraming oportunidad na umasenso, ay isa ang pagkakaroon ng diskarte sa buhay ang daan.

Batid natin na may ilang mga tao ang ikinabubuhay ang simpleng pangangalakal, kung saan ay nire-recycled nila ang mga bagay na maari pang magamit at ito nga ay nagagawa pa nilan maibenta at pagkakitaan.

Ngunit sa kabila nito, ay batid rin natin, na ang ibang mga tao, na nakaka-angat at may magandang estado sa buhay, ay ginagawang katawa-tawa ang mga ganitong hanap-buhay.
Sa kabila nito, ay marami pa ring mga mamayan ang nagpapatunay na kung ikaw ay magiging matiyaga, ay tunay ang kasabihan na “May Pera sa Basura.”

Isa na nga sa nagpatunay nito ay ang lalaking mula sa bansang Kenya, na nakatira sa may bandang Silangang Africa, kung saan ang iknabubuhay umano nito ay pangongolekta ng mga lumang gomang gulong, at ito nga ay kanyang nire-recycled upang mapakinabangan pa at maibenta.

Ayon nga sa mga naging ulat, ginagawang “Tire Sandals”, ng naturang lalaki ang mga gomang gulong na kanyang napupulot sa pangangalakal. Dahil nga sa napakatibay ng mga gulong na ito, ay nagagawa niya itong matibay na tsinelas, sapatos at sandals.

Ang mga tsinelas, sapatos at sandals ngang ito na gawa sa goma ng gulong, ay talaga namang mayroong kalidad, dahil sa kaya umano nitong lakarin at takbuhin ang milya-milyang lugar. Matagal rin ang pag-gamit nito, dahil sa ang kalidad at tibay ng pagkakagawa dito, ay tumatagal hanggang limang taon.

Maganda rin umano ang ginagawang ito ng naturang lalaki, dahil sa nakakabawas ito ng polusyon. Imbis nga na ang mga gulong na ito ay sunugin, ay napakikinabangan pang muli, at napagkakakitaan nila.

Tunay ngang maganda ang naging diskarte ng lalaking ito na mula sa Kenya, dahil mula sa sitwasyon na siya ay pinagtatawanan, ngayon nga ay kumikita na siya ng malaking halaga sa ginagawa niyang pangongolekta ng mga gomang gulong.

Naging sikat nga ang kultura nilang ito sa paggawa ng mga kalidad na tsinelas, sandals at sapatos, dahil sa kakaibang konesepto nito.

Ipinagmamalaki nga ng naturang lalaki ang mga produkto nila na gawa sa mga gomang gulong, dahil sa marami sa kanilang mga naging customer ang talaga namang nagustuhan ang kanilang mga gawa, dahil sa kumportable umano ang mga ito sa paa kapag sinusuot na.

Naging inspirasyon naman sa marami ang kwentong ito ng lalaki, dahil sa kabila ng mga pangungutya na kanyang naranasan, ay patuloy lang niyang pina-iral ang diskarte sa buhay, na naging daan upang pag-asenso ay unti-unting makamtan.