Inspiring
Lyca Gairanod, Naghanda Ng Surpresa Para Sa Kanyang Lola Na Nakakasama Sa Pangangalakal Noon

Isa sa mga ugaling Pilipino na talaga namang ating maipagmamalaki ay ang pagiging mapagmahal natin sa ating pamilya, kung saan halos lahat nga ay ibinibigay natin sa ating mga mahal sa buhay mapaligaya lamang natin sila, lalo na nga sa ating mga magulang o di kaya naman ay mga taong labis na nagpadama din sa atin ng pagmamahal tulad na nga lamang ng ating lolo at lola.
Ang The Voice Kid Season 1 na si Lyka Gairanod ay isa sa lamang sa mga mapagmahal sa kanyang pamilya, at kabilang sa talagang labis na minamahal ni Lyka ay ang kanyang lola na nag-aruga din sa kanya noong siya ay musmos na bata pa. Kaya naman hindi nag atubili si Lyka na bigyang sorpresa ang kanyang Lola sa araw ng kaarawan nito, upang maipadama nga niya rito ang kanyang pagmamahal.
Noon nga lamang buwan ng Pebrero ay nagdiwang ng ika-87 taong gulang na kaarawan ang Lola ni Lyca, at ang espesyal na araw nga na ito sa buhay ng lola ng singer-vlogger ay kanyang ibinahagi sa isang vlog.
Sa unang bahagi ng vlog ay makikita nga na tila walang bakas ng kasiyahan sa hitsura ng Lola ni Lyka ito ay dahil sa pag-aakala nga niya ay nalimutan na ng kanyang pamilya ang kanyang kaarawan. Ngunit hindi nga inaasahan nito, na pag-uwi niya sa kanyang tahanan ay tatambad ang sorpresa sa kanya ng apo niya, na labis ngang nagpangiti sa kanya, kung saan naghanda nga ang apo niyang si Lyca ng salo-salo para sa kanya.
Dahil nga sa sorpresa na ito ni Lyca sa kanyang Lola ay bakas na nga sa ngiti nito ang kasiyahan, at mas lalo pa nga itong nasiyahan at hindi napigilan ang maging emosyonal ng may ipakausap sa kanya na tao sa telepono, kung saan ayon nga kay Lyca ay isa ito sa mahalagang tao sa kanyang lola na hindi nakadalo sa kaarawan nito.
Samantala, pinasalamatan naman ni Lyca ang kanyang Lola, para sa lahat ng ginawa nito para sa kanya, lalo na nga ang ibinigay nitong suporta sa kanyang talento at ang pag-abot niya ng kanyang mga pangarap sa buhay. Ayon kay Lyca ay isa ang kanyang lola sa talagang naniwala sa kanyang talento at kakayahan.
Natuwa naman ang maraming netizens sa ginawa ni Lyca na pag-sorpresa para sa kanyang lola, dahil sa ipinakita at ipinadama nga ng singer-vlogger ang pagmamahalniya para rito at kung gaano nga kahalaga ang lola niya sa buhay niya. Nagpahatid din g pagbati ang ilang mga netizens sa lola ni Lyca.
