Entertainment
Mag Asawang Beauty Gonzales At Norman Crisologo Patuloy Na Matibay Ang Pagmamahalan Kahit 25 Years Ang Age Gap Sa Isa’t Isa

Pagdating sa love naniniwala nga naman ang marami sa atin na “age doesn’t matter”, dahil ang tunay nga namang pag-ibig kailanman ay hindi babase sa kung ilang taong ang agwat ng edad niyo sa isa’t isa, kundi ang tanging mahalaga lamang ay kung gaano niyo nga kamahal ang isa’t isa.
Ngunit sa kabila nga nito, marami nga sa mga taong nagmamahalan na may malaking agwat sa isa’t isa ang hindi maiwasan na makaranas ng panghuhusga mula sa ibang tao, pero kapag ang umiral nga ay puso at pagmamahalan kahit gaano pa man kadaming panghuhusga ang kanilang harapin ay malalagpasan ito ng dalawang taong wagas ang pagmamahal sa isa’t isa.
Halimbawa na nga lamang nito ay ang mag-asawang Beauty Gonzales at Norman Crisologo, hindi naman lihim sa publiko na ang mag-asawa ay mayroong 25 years na age gap sa isa’t isa, ngunit sa kabila nga nito ay hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan.
Ang aktres kasi na si Beauty Gonzales ay nasa 29-taong gulang pa lamang ang edad, samantala ang mister niyang businessman/art curator na si Norman Crisologo ay nasa edad 55 na.
Mas pinatunayan nina Beauty at Normas sa lahat na kahit malaki ang agwat ng edad nila sa isa’t isa ay hindi ito makakahaldang sa kanila, kaya naman noon ngang taong 2017 ay ikinasal nga ang dalawa at it ay naganap sa isang napakagandang lugar sa Tagaytay.
Lingid naman sa kaalaman ng marami, na bago ikinasal si Norman sa aktres na si Beauty Gonzales, ay may nauna na itong napangasawa noon, at ito nga ay isa ring aktres na kinilala ngang si Max Eigenman kung saan ay nagkaroon dito ng dalawang anak ang negosyante.
Samantala, ang mag-asawang Beauty at Norman naman ay nabiyayaan ng isang anak at ito nga ay si Olivia na isinilang noong taong 2016 na ngayon nga ay nasa 5-taong gulang na. Aminado naman ang mag-asawa na maging sila ay nakatanggap din noon ng panghuhusga dahil nga sa malaking agwat ng edad nila sa isa’t isa.
May ibang tao pa nga na nagsabi na baka pera lamang ang habol ng aktres sa negosyante. Ngunit sa kabila ng lahat ng panghuhusga nga na ito na naranasan nina Beauty at Norman hanggang ngayon nga ay nanatiling matatag ang pagsasama nila, at patuloy nga nilang pinapatunayan sa lahat na wagas ang kanilang pagmamahalan.
Samantala, matatandaan na sa isang panayam noon ay nabanggit ni Beauty kung gaano kalaki ang nabago sa kanya magmula ng maging bahagi ng buhay niya si Norman. “My whole life changed whem I met Norman. Maraming nangyari sa career ko. He’s my mentor. He’s my everything. That’s was one of the biggest changes, na-uplift yung career ko when I met him. I’m happy he came at te right time, he guides me very well kasi we really help each other”, ani Beauty.
