Connect with us

Showbiz

Mag Asawang Bettinna Carlos At Mikki Eduardo Nagbigay Pasilip Sa Kanilang Napakagandang Villa Resort Sa La Union

Published

on

Mag-asawang Bettinna Carlos at Mikki Eduardo nagbigay pasilip sa kanilang villa resort na siya rin ngang magiging residential home ng kanilang bubuuing pamilya. Matatandaan na unang ibinahagi ni Bettinna sa kanyang Instagram post ang tungkol kanilang villa resort sa La Union noong buwan ng Agosto taong 2021, kung saan ay inilahad din nga ng dating Idol sa Kusina host na sa nasabing villa resort nga nila itatayo ang kanilang dream home.

“It’s been a year since you brought me to this land (di pa nga tayo engaged)- the first time we visited LU together you brought me here right away and told me that on this spot is where we will build our future. Villas lang non. (Business muna at parang sa kwarto lang tayo there somewhere. Wala nga kong narinig na bahay. Kung saan mo kami ititira ni G.)

“Because for you our comforts can wait. True. You know I always admired your wisdom in money and being content sa payak na pamumuhay Love. (Pero ngayon may drawing na at plano na ang bahay yiheee. Diba maghuhukay na, @migsbanal @bongdapogi ?)

Ayon nga sa IG post noon ni Bettinna hindi pa sila engaged ng mister na niya ngayon na si Mikki ng mabili nito ang naturang lupain sa La Union kung saan doon nga umano nila bubuuin ang kanilang ‘future.’ Sa unang pagbisita nga umano nila ni Mikki sa La Union ay kaagad siya nitong dinala sa lupain na nabili nito, at dito na nga nagsimula nilang planuhin na bumuo doon ng villas na magiging business muna nila.

Samantala, sa pinakabagong Instagram post naman ng celebrity mom na si Bettinna nito lamang nakaraan ay makikita naman ang naging pagbabahagi niya ng mga larawan ng ongoing construction ng kanilang villa resort business. Ibinahagi rin ni Bettinna na ang naturang villa resort business nga nila na ito ay tinawag nilang Aginana Villas.

Sa naturang post nga na ito ni Bettinna ay naka-tag ang @aginana_villas, kung saan dito nga ay maari namang makakuha ng ideya ang mga netizens pagdating sa disenyo at istilo ng isang napakaganda na villa.

Ika-2 ng buwan ng Disyembre noong nakaraang taong 2021 ng ikasal sina Bettinna Carlos at Mikki Eduardo, kung saan isa ngang intimate wedding ceremony ang ginanap sa Tagaytay Highlands na dinaluhan ng kani-kanilang mga kapamilya, kaibigan at mga pili pa nilang bisita.