Connect with us

Inspiring

Mag-Asawang Doktor Proud Sa Naging Tagumpay Ng Tatlong Anak Matapos Physician Board Examination Top Sa

Published

on

Kamakailan lamang ay isang pamilya ang naging agaw-pansin at usap-usapan sa social media, ito ay matapos ngang ibahagi ng padre de pamilya kung gaano siya ka-proud sa kanyang tatlong mga anak na sumunod lahat sa yapak nilang mag-asawa.

Base sa naging paglalahad ni Dr. Eric Peralta, silang mag-asawa ay parehong doktor, at ang kanyang ikinaka-proud sa kanyang pamilya ay maging ang kanila ngang tatlong anak ay parehong mga doktor na rin tulad nila matapos ngang makapasa lahat ng mga ito sa Physician Board Examination.

Hindi nga lamang ang pagiging mga doktor ng mga anak ni Dr. Eric Peralta ang hahangaan sa kanyang mga anak, dahil masasabi rin niya na talagang mahuhusay ang mga at determinado sa kanilang naging pag-aaral ng medisina. Sapagkat, maliban sa pagkakapasa ng nasabing board exam, ay lahat din ng mga ito ay kabilang sa mga nanguna sa nakapasa o nasa Top list nga ng mga nakapasa.

Ang panganay na anak ni Dr. Eric na si Ana Bianca Eloise ay nagtapos bilang Cum Laude sa BSMT taong 2010 at taong 2014 naman ay naging Magna Cum Laude ito sa kursong medisina. Taon 2015 nga matapos nitong kumuha ng Physician Board Exam ay lumabas sa resulta na siya ay nasa Top 6 sa mga pumasa.

Si Ana Eryka Elaine naman ang pangalawa sa magkakapatid na anak nina Doc Eric ay nakakabilib din dahil taong 2017 ay nag top 5 ito sa Physician Borad Exam. Siya rin ay nagtapos bilang Magna Cum Laude noong taong 2012 sa BSMT at Magna Cum Laude sa medisina noong taong 2016.

Siyempre hindi naman nagpahuli ang bunso ng pamilya na si Federico Adriano Peralta, siya ay nagtapos ng kursong medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas at noon ngang taong 2019 ay kabilang siya sa mga nakapasa at naging top sa Physician Licensure Exam matapos nitong makakuha ng rating na 90.92%.

Katulad ng kanyang mga nakatatandang kapatid ay nakakuha rin ng parangal si Federico noong siya ay nag-aaral pa kung saan ay naging Magna Cum Laude siya noong 2014 sa BS Medical Technology (BSMT) at Summa Cum Laude at Valedictorian ng Batch 2018 ng siya ay nag-aaral na ng medisina.

Para nga kay Dr. Eric Peralta, ay talaga namang nakaka-proud ang kanyang tatlong anak, dahil hindi lang ang pagiging doktor ang sinunod na yapak ng mga ito sa kanilang mag-asawa, kundi ang layunin at hangarin rin nila na makapagbigay serbisyo at lingkod sa ating bayan bilang isang manggagamot, lalo na nga sa mga taong nangangailangan.