Connect with us

Entertainment

Mag Asawang Former PBB Housemates Mickey Perz At Gee-Ann Abrahan Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Ikalawa Nilang Anak

Published

on

Noong ika-1 ng Mayo ay isinilang ng former PBB housemates na si Gee-Ann Abrahan ang ikalawang anak nila ng kanyang asawang si Mickey Perz(isa ring former PBB housemates), at ito nga ay isang malusog na baby boy na pinangalanan nilang si River Indigo.

Sa naging pagdating nga ng pangalawang anak ng mag-asawa ay masaya nila itong ibinahagi sa publiko at ipinakilala ang ikalawang anghel nila sa pamilya. Makikita sa Instagram ni Mickey ang naging pagbabahagi niya ng close-up photo ng bagong silang nilang anak na si baby River Indigo, kung saan ito nga ay kanyang nilakipan ng caption na “Happy Labor Day” at may hashtag na @PerzBabyBoy.

Bumuhos naman ang napakaraming mensahe ng pagbati na “congratulations” sa naging post na ito dancer-choreograper lalo na nga’t kitang kita na napakasaya ng kanyang nito sa pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Maging ang mga katrabaho at kaibigan ni Mickey sa industriya ng showbiz ay ikinatuwa rin ang naging magandang balita na ibinahagi nito. Makikita nga ang mga naging komento ng mga ito sa mga larawan na ibinahagi ni Mickey.

Samantala, sa Instagram naman ni Gee-Ann Abrahan ay makikita rin ang naging pagbabahagi nito ng larawan ng bagong silang niyang anak na kinunan ng sila ay nasa hospital pa.
“Happy LABOR Day!? River Indigo Perez 01.05.2021”, ang naging caption nga ni Gee-Ann sa kanyang IG post.

Sa ngayon nga ay talaga namang masasabi natin na napakasaya ng pamilyang binuo nina Gee-Ann at Mickey, lalo na nga’t ang maliit nilang pamilya ay mayroon ng apat na miyembro. Ang mag-asawa nga ay mayroon ng dalawang anak, ang panganay na anak nila ay isang babae at ang ikalawa ngang anak nila ay an kasisilang lamang na baby boy.

Para naman bigyang update ang kanilang mga tagahanga ay madalas na nagbabahagi ang mag-asawa ng mga kaganapan sa kanilang buhay pamilya

Si Gee-Ann at Mickey ay ikinasal noong taong 2016, at dalawang taon nga lamang ang lumipas matapos nila ikasal ay isinilang na ni Gee-Ann ang panganay nilang anak.
Matatandaan naman na sa isang panayam noon ng Push kay Mickey Perz ay nabanggit nito na ang nais niyang maging anak nila ng asawang si Gee-Ann ay tatlo.