Connect with us

Showbiz

Mag-Asawang Heart Evangelista At Chiz Escudero Ibinahagi Na Hindi Hadlang Sa Pag-Iibigan Ang Malaking Agwat Ng Kanilang Edad

Published

on

Ang mag-asawang Love Marie Ongpauco o mas nakilala ng publiko bilang ang aktres na si Heart Evangelista at ang kanyang mister na si Chiz Escudero o sa tunay na buhay ay si Francis Joseph Escudero ay nasa anim na taon ng mag-asawa ngayon. Batid ng marami na bago pa man naging asawa ni Chiz ang aktres, ay nauna muna itong ikinasal sa kanyang dating asawang si Christine Elizabeth Flores noong taong 1999. Sila ay nagkaroon ng kambal na anak na sina Maria Cecilia at Joaquin Cruz. Ngunit ang pagsasama nga nila ay nagtapos noong taong 2011.

Samantala, sa buhay naman ngayon ng mag-asawa ng sina Heart at Chiz ay hindi pa nga sila nagkakaroon ng sarili nilang anak, kaya naman ang kambal na anak ni Chiz ay napalapit na rin sa aktres at ito nga ay itinuturing na rin niyang mga anak.

Lingid naman sa kaalaman ng publiko, na nasa 15-taon ang agwat ng edad ng mag-asawa dahil si Heart ay 35-taong gulang na at 51 naman ang edad ni Chiz. Sa kabila naman nito, hindi naman hadlang sa pagmamahalan at pagsasama nilang mag-asawa ang malaking agwat ng kanilang edad sa isa’t ia.
Nito nga lamang nakaraan sa isang panayam naman sa mag-as𝔞wa ni Karen Davila, sinagot nila ang ilan tanong ng mga netizens.

Ilan nga sa mga katanungan ng mga netizens sa mag-asawa, ay kung ginagamit ba ng aktres na si Heart Evangelista ang pera ng asawa niyang si Chiz sa pagbili ng kanyang mga mamahaling gamit. Sagot naman dito ni Heart, ang mga mamahaling gamit niya ay mula mismo sa sarili niyang ipon at kita, dahil batid naman natin na matagal na siyang nasa mundo ng showbiz.

Naibahagi pa nga ng aktres, na ngayon ay mas proud siya dahil sa nakapagpundar na siya ng sarili niyang beach resort sa Boracay. At pag-amin niya, mas malaki na ang kinikita niya ngayon sa kanyang mga online activities gaya ng sa YouTube channel niya, collaborations, at mga endorsements.
Kabilang pa nga sa mga naitanong kay Heart, ay kung sakali bang mambabae ang asawa niyang si Chiz ay iiwan ba niya ito? Ayon naman kay Heart, kung mangyari man ito, ay pipiliin niya na patawarin ang asawa dahil mahal niya ito.

“Because I l𝔬ve him, I don’t l𝔬ve him as a l𝔬ver, I l𝔬ve him also as a friend. Ibig sabihin, l𝔦ke what? So you guys are gonna have your happy end𝔦ng. No! I’m going to stay with you till the end.” “I am not gonna be cr𝔲el. I’m still gonna be very lov𝔦ng buy you know, I’m not gonna g𝔦ve you your happy end𝔦ng. I am stay𝔦ng!” Ikinasal sina Heart at Chiz noong taong 2015 sa Balesin Island, Polilo Quezon.