Showbiz
Mag Asawang Richard Gutierrez At Sarah Lahbati Masayang Nag Camping Trip

Nauuso ngayon ang mga outdoor activity, lalo na nga’t halos dalawang taon din na marami sa atin ang halos hindi lumabas ng tahanan noong kasagsagan ng krisis sa ating bansa. Kaya naman ngayon ang magkapamilya ay halos hindi magkamayaw na gumawa ng mga outdoor activity, katulad na lamang nga ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.
Nito na lamang nakaraan ay masayang in-enjoy ng mag-asawang Richard at Sarah ang isang outdoor activity, at ito nga ay ng mag-camping trip sila kasama ang kanilang pamilya. Makikita sa Instagram update ng aktres at celebrity mom na si Sarah Lahbati ang pagbabahagi niya ng mga larawan at video clips na kuha sa naging family adventure nilang ito. Hindi nga lamang ang maganda at nakakarelaks na tanawin ang na-enjoy ng pamilya, kundi mas lalo na ang quality time nila sa ginawa nilang camping trip na ito.
Sa ilang mga larawan nga na ibinahagi ni Sarah, ay masusulyapan ang naging pag-eenjoy ang kanilang mga anak sa naging camping trip nilang ito, kung saan naglalaro nga ng tila sipaan ng bola ang mga anak nilang sina Zion at Kai, habang silang mag-asawa ay nakangiting pinagmamasdan ang mga ito.
May larawan din na ibinahagi ang misis ni Richard, kung saan naman makikita ang pagiging abala nito sa paghahanda ng makakain nila, kung saan si Sarah nga ay nasa harapan ng isang ihawan.
Syempre hindi nawala sa camp trip na ito ng pamilya ang ‘sweetness’ ng celebrity couple, dahil talaga namang nakakakilig ang larawan kung saan sila ng mister niyang si Richard ay tila nasa isang mataas na lugar na tanaw ang napakagandang waters falls, at dito nan ga ay isang matamis na halik sa mga labi ng pinagsaluhan nila.
Ibinahagi din ni Sarah sa kanyang Instagram ang maikling video at dito ay makikita ang naging pag byahe nila patungo sa destinasyon kung saan sila magka-camp trip mag pamilya.
Samantala, sa pinaka-recent post ni Sarah sa kanyang Instagram ay pinasalamatan niya ang mister niyang si Richard sa good husband nito sa kanya at great father nito sa kanilang mga anak na sina Zion at Kai.
“I wanna thank you for being an amazing husband, for being my safe place, my rock and a great father to Zion and Kai. More importantly, I’m grateful that you continuously bring us close to nature where I feel the most at peace, where the kids are free to run around, play and where we all get to make beautiful memories that we will forever cherish, thanks to you. I love you. Lord, thank YOU”, saad ni Sarah sa kanyang IG post.
Ayon naman sa naunang post ni Sarah, ang kanilang camping trip na ginawa ng mag pamilya ay bahagi din ng pagdiriwang nila ng kaarawan ng kanyang inang si Mommy Esther. “Blessed to have been able to go up north to celebrate mama’s birthday with the family and to just breathe in the cold fresh air as we set up camp and soak in nature together”, ani Sarah.
Matatandaan na kasagsagan ng krisis noong taong 2020 ng ikasal sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, at dahil nga rito, imbis na isang magarbong kasalan ng maganap ay mabuti na lamang nila gawin itong ‘intimate wedding’ na dinaluhan ng ilang bisita. Sa ngayon ay isa sina Richard at Sarah sa mga hinahangaan at sinusubaybayan celebrity couple, dahil sa matatag at puno ng pagmamahalan nilan pagsasama kasama ang dalawa nilang mga anak na sina Zion at Kai.
