Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Robin Padilla At Mariel Rodriguez May Handog Na Pabahay Para Sa Kanilang Kasambahay

Published

on

Marami ang napa-sana all, sa ginawang kabutihan ng mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla, sa kanilang mga kasambahay. Ito ay matapos ibahagi ng mag-asawa, ang ipinagawa nilang apartment compound na para sa mga ito.

Sa pagkakaroon ng p@ndemy@ sa ating bansa, ay nagkaroon ng pagkakataon ang aktor na si Padilla, na makita ang tirahan ng kanyang mga kasambahay noong mamahagi sila ng ayuda para sa mga ito.

Dahil sa nakitang kalagayan ng tahanan ng mga ito, ay nagkaroon ng ideya ang mag-asawa Robin at Mariel paano mabibigyang kasiyahan ang kanyang mga kasambahay at pasasalamatan ang mga ito sa kanilang naging matapat na pagtatrabaho sa kanilang pamilya, at ito nga ay ang pagpapatayo niya ng isang apartment compound para sa mga ito.

Ikinatuwa naman ng mga kasambahay ng mag-asawa ang naging handog na pabahay sa kanila nila Robin at Mariel. At talagang malaki ang naging pasasalamat ng bawat isa sa kanila, dahil napakabait na amo ng mag-asawa.

Nagpapasalamat po ako at napunta ako sa pamilya niyo”, ang naging saad kay Mariel ni Yaya Jo, ang midwife na tatlo at kalahating taon ng namamasukan sa pamilya ng mag-asawa.
“Kakaiba po ang naranasan naming diro, hindi namin ito mararanasan sa iba.”

“Iba po yung ipinapakita niyo sa amin. Kakaiba po ang pakiramdam. Parang at home na at home po ako dito sa bahay niyo.”

Samantala, noong ika-15 ng Nobyembre, kung kailan araw ng pagdiriwang ng 1st birthday ng pangalawang anak nina Mariel at Robin, na si Gabriela ay dito rin itinapon ni Marian na ipaliwanag ang tungkol sa naging desisyon nila ng asawang si Robin na patayuan ng bahay ang kanilang mga kasambahay.

Narito nga ang naging pahayag “During the start of p*ndemic, dito sa amin, we really followed very very strict rules quarantine rules. Talagang no one comes in and out.”
“Talagang we’re very strict with that because we have a little kids. So, talagang maingat kami with everything.

“Another thing na kailangan naming gawin is to limit the exposure of the people na lumalabas at pumapasok sa bahay.

“So that means walang nakakalabas, at makakapasok, that includes yung mga kasama naming sa bahay.
“Siyempre napakahirap nun para sa kanila, kasi kahit naiintindihan nila, kahit sa simula pa lang in-explain namin sa kanila kung ano yung Krisis , kung ano yung nangyayari sa mundo, napapanood nila sa news, pero syempre dahil tao sila, they long for their family.

“Namimi-miss nila yung family nila, syempre nag-aalala sila.
“Ang dami-daming nangyayari sa nag-aalala sila sa mga pamilya nila.
“And we wanted to remove that worry away from them para hindi na nila ‘yon iniisip. So Robin decided to take them under his wing.

Ayon nga kay Mariel, ang pagkakaroon ng p@ndemy@ ang pinaka-una sa naging dahlia nilang mag-asawa para gawan ng pabahay ang kanilang mga kasambahay.

At dahil ng sa naging matindi ang ginawa nilang paghihigpit sa loob ng kanilang tahanan, ay batid nila na namimiss rin ng kanilang mga kasambahay, ang mga pamilya nito kaya naman nagdesisyon ang kanyang asawa na ilagay ang bawat pamilya nito sa ligtas rin na lugar.

“There’s a place wherein Robin takes care of a few Muslim family. And for the very first time, we open the doors to Christians, to Catholics like myself, for our staff. “It is because they also sacrificing so much for their families.”

“It is because they showed up loyalty, nagpakita sila ng pagmamahal sa amin at gusto nating suklian ang pagmamahal din yung pinapakita nilang pagmamahal at mabuting serbisyo sa amin.”

Makikita nga sa isang larawan, ang mga kasambahay nina Robin at Mariel, na masayang nag pa picture, sa tapat ng apartment compound na ipinagawa ni Robin, kung saan ay bawat isa sa kanila ay may nakalaang pabahay ang mag-asawang Mariel at Robin.

Marami naman sa mga tagahanga ng mag-asawa, ang mas lalo pang hinangaan ang mga ito, dahil sa ipinakita nilang pagmamalasakit sa kanilang mga kasambahay