Connect with us

Inspiring

Magkakapatid Na Nakapagtapos Bilang Mga Cum Laude Proud Na Isang Mangingisda Ang Kanilang Ama

Published

on

Dahil sa kahirapan ay marami tayong mga kababayan na hindi nakapagtapos ng pag-aaral, at mayroon pa ngang mga kabataan na hindi na nakakatuntong pa sa highchool o college dahil sa hindi kayang tustusan ang pag-aaral nila ng kanilang mga magulang. At dala rin ng kahirapan ng buhay ay maraming mga tao ang nagsusumikap sa buhay para makaahon at magkaroon ng maganda at mas maayos na buhay ang pamilya.

Isa na nga lamang sa mga ito ay kuwento ng naging matagumpay na pagtatapos ng magkakapatid sa kolehiyo bilang mga Cum Laude, na sa kabila ng sila ay laki sa kahirapan kung saan ay ang pangisngisda ang ikinabubuhay ng kanilang ama pangtustos sa kanilang pag-aaral, ay hindi naman naging hadlang ang kanilang kahirapan upang ang pangarap ng mga magulang nila para sa kanila ay hindi nila makamtan.

Nag-viral nga kamakailan lamang ang kuwentong ito sa social media, kung saan ay isang ama ang naging mapalad sa kanyang mga anak. Ito ay dahil nga sa kabila ng kanilang kahirapan sa buhay ay napagtapos niya ang mga ito at nagbigay pa ng karangalan para sa kanilang pamilya.

Base sa naging ulat, ang tatay na ito ay kinilalang si Ramil Montalbo, nagmula sa Ilo-Ilo City, at laking hirap kung saan ay pangingisda lamang ang kanyang ikinabubuhay. Dahil nga sa kahirapan, ay maraming pangarap si Mang Ramil ang hindi niya nabigyan ng katuparan, at isa na nga sa mga ito ay maging isang sundalo.

Ayon sa kanya, noon ay madalas silang magtalo ng kanyang ama, dahil sa tutol ito sa kanyang pag-aaral, sapagka’t hindi nga nito kayang suportahan ang kanyang mga pangangailangan habang siya ay nag-aaral.

Kung kaya naman, ngayon na mayroon ng sariling pamilya si Mang Ramil, ay pursigido siyang mapagtapos ang kanyang mga anak kahit pa nga napakahirap ng kanilang buhay.

Pangako umano ni Mang Ramil sa kanyang sarili, ay itutuon niya na lamang sa kanyang mga anak ang pangarap niyang hindi niya nakamtan, kaya naman talagang nagsumikap siya para matugunan ang pangangailangan ng kanyang mga anak at sinuportahan ang mga ito sa kanilang pag-aaral. Ayaw umano niya na matulad sa kanya ang mga anak niya na hindi nakapagtapos ng pag-aaral at tanging pangingisda nga lamang ang ikinabubuhay.

Hindi naman nabalewala ang lahat ng mga sakripisyo at pagsusumikap ni Mang Ramil na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak, dahil lahat ng kanyang mga anak ngayon ay nakapagtapos na sa kolehiyo at lahat nga ng mga ito ay nakapagtapos ng may parangal na Cum Laude.

Labis nga naman ang kasiyahan ni Mang Ramil, dahil sa kabila ng hindi niya naabot ang kanyang sariling pangarap na makapagtapos sap ag-aaral ay natupad naman niya ito sa kanyang mga anak.
Tunay ngang isang inspirasyon si Mang Ramilsa bawat pamilyang Pilipino.

Dahil ang kuwento ng naging tagumpay ng kanyang mga anak sa tulong at suporta niya sa kabila ng kahirapan ng kanyang buhay ay nagpapatunay nga lamang na hindi hadlang kailanman ang kahirapan para mabigyang katuparan kung ano man ang mithiin mo sa buhay.