Connect with us

Inspiring

Magkapatid Nagbigay Inspirasyon Sa Marami Matapos Bigyang Katuparan Ang Pangarap Nilang Magandang Tahanan Para Sa Magulang

Published

on

Naging inspirasyon para sa marami ang limang magkakapatid na naging matagumpay sa buhay dahil sa kanilang naging pagsusumikap at kagustuhan na mabigyan ng katuparan ang kanilang pangarap para sa mga magulang nila.

Kamakailan lamang sa Facebook page ni Krisem Joyce Cruz ay kanyang ibinahagi ang kuwento ng tagumpay nilang magkakapatid sa kanilang karera sa buhay sa kabila ng naging kahirapan nila noon. Naibahagi din niya kung paano nila nabigyan ng katuparan ang mabigyan ng maganda at malaking tahanan ang kanilang mga magulang.

Ayon sa naging pagbabahagi ni Krisem, noong sila ay bata pa ay naninirahan lamang silang limang magkakapatid sa maliit na kubo kasama ang kanilang ama at ina. Maliit, dahil ang kanilang hinihigaan ay siya na ring kanilang kusina, sala at lahat-lahat na.

Sa kabila naman ng maliit na kubo lamang ang kanilang tinitirhan at kahit mahirap ang buhay nila ay masaya ang kanilang pamilya, dahil kumpleto at magkakasama sila.

Nagkaroon naman umano sila Kresem ng maayos na tahanan ng sila ay lumipat sa palaisdaan, kung saan ito nga ang naging tahanan nila ng matagal na panahon. Sa naging tahanan nga nila na iyo nabuo ang maraming masasayang alaala ng kanilang pamilya na hindi mapapalitan ng anumang halaga. Ngunit may nga hindi rin sila malilimutang karanasan dito, lalo na ng maranasan nila ang mabahaan at malubog ang kanilang mga kagamitan.

Ibinahagi pa ni Kresem ang mga pagsubok na pinagdaanan nilang pamilya, na mas nagpapatatag nga sa kanila at nagbigay pa ng determinasyos na mas lalong magsumikap na makaahon sa kahirapan ng buhay at mabigyan nilang magkakapatid ng maginhawang pamumuhay ang mga magulang nila.

Saad niya, taong 2019 ng magsimula ang goal nilang magkakapatid na bigyan ng magandahang bahay ang kanilang mga magulang, dahil sa ayaw nga nilang tumanda ang mga ito na naninirahan pa rin sa barung-barong.

Para nga mabilis na makaipon at maipatayo ang pangarap na tahanan para sa mga magulang ay nag-doble kayod si Kresem. Pinagsabay niya ang kanyang dalawang trabaho, at pumasok din siya sa online selling para makapandagdag pa sa mga gastusin nila.

Labis naman ang naging kasiyahan ni Krisem dahil sa kabila ng pagkakaudlot ng pagpapagawa nila ng tahanan dahil sa pandemya, ay nagpatuloy pa rin naman ito hanggang sa matapos na. At ngayon nga ang pangarap niyang magandang bahay para sa mga magulang nila ay natupad na.

Kasama nga ang suporta ng kanyang mga kapatid at mga magulang ay napatunayan ng pamilya ni Krisem na “TEAMWORKS MAKES DREAMWORK”, dahil sa naging pagtutulungan nga nila ay nakamit nila ang pinapangarap nilang maayos at kumporatableng tahanan.

Payo naman ni Krisem para sa lahat ng mga patuloy na nangangarap, kinakailangan lamang na huwag tumigil sa pagtupad ng pangarap at maghanap ng inspirasyon para ito ay iyong pag-igihan pang tuparin hanggang sa magkaroon nga ng kabuluhan ang lahat ng pagsusumikap na iyong ginawa.
“Keep grinding, keep going, keep dreming…”