Connect with us

Entertainment

Magkasintahang Andrea Brillantes At Ricci Rivero Ibinahagi Ang Kanilang Masayang Bakasyon Sa Isla Ng Siargao

Published

on

Isa sa mga dinarayong puntahan at pasyalan ngayon ng mga celebrity ay isla ng Siargao, ito ay dahil sa mala-paraisong ganda nito. At ang magkasintahan ngang sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero ay hindi pinalampas ang pagkakataon na mabisita at mapasyalan din ang naturang isla, at nito nga lamang nakaraan ay magkasama ngang nagbakasyon ang dalawa sa Siargao, kasama ang ilan sa kanilang mga kaibigan.

Ang pagbabaksyon nga na ito nina Andrea at Ricci sa Siargao ay ang unang pagkakataon na nag-beach trip sila bilang magkasintahan. At sa mga larawan nga na ibinahagi ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram account ay makikita na tila naman talagang i-enjoy nilang magkasintahan ang bawat sandali na sila ay nasa isla na mayroong mala-paraisng tanawin.

Makikita naman sa isang Instagram photo na ibinahagi ni Andrea ang pagbibida niya ng kanyang makinis na ‘tones physique’ suot ang kanyang red two-piece swimsuit. Ang isa namang larawan ay nagpapakita ng matamis na lambingan nila ng nobyo niyang si Ricci habang sila nga ay nasa beach at nasa harap ng masasarap na pagkain.

“Life lately”, ang naging maikling caption ng Kapamilya actress sa IG post niyang ito.
Ayon naman sa ulat, kasama ng magkasintahang Andrea (19) at Ricci (24) ang actor-singer na si Alex Diaz at actress na si Ashley Colet sa bakasyon nga nila na ito sa Siargao.

Buwan ng Abril ng magsimulang mag-date sina Andrea at Ricci, at sila nga ay naging opisyal na magkasintahan matapos ngang mag publicly propose ni Ricci kay Andrea sa kalagitnaan nga ng UAAP game na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Matatandaan na nagsimulang pag-usapan ang pagkakaroon ng romatikong ugnayan nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero noon nga lamang buwan ng Pebrero, ito ay matapos ngang ma-spottan ang dalawa na tila nagdi-date sa isang restaurant sa Taguig.

Mas lalo pa ngang umugong ang balita na ang Kapamilya actress nga ay may ugnayan na kay Ricci ng mapansin ng maraming netizens ang larawan niya sa social media kung saan ay makikita ngang suot niya ang isang basketball jersey na ang nakalagay ngang numero ay ang numero ni Ricci sa kanyang mga basketball uniform jersey.

Bago pa man nga maging nobyo ni Andrea si Ricci, ay una muna ngang isinapubliko ng aktres na ang dati niyang ka-loveteam na si Seth Fedelin ay naging boyfriend din niya at ang kanila ngang relasyong dalawa ay tumagal din ng dalawang taon.