Connect with us

Inspiring

Mamangaha Sa Pag-Iibigan Ng Isang Napakagandang British At Isang Indonesian Surfer

Published

on

Maraming mga netizens ang talaga namang namangha sa pag-iibigan ng isang Indonesian surfer, at ng kanyang napangasawa British na talaga namang napakaganda.

Ang kwento ng ang iro ni Karna Radheya, isang Indonesian surfer at Poly Alexandra Robinson, isang engliserang british, ay talaga namang nagbigay ng nakakamanghang kwento ng pag-ibig para sa maraming mga netizens.

Ang pag-iibigan nina Karna at Poly, ay muling nagpapatunay na ang pag-ibig ay hindi bumabase sa anumang pisikal na” appearance” ng isang tao at hindi rin maging hadlang kailanman ang pagkakaiba ng kulay, kultura, o lahi para sa dalawang taong nagmamahalan.

Ayon nga sa ilang mga artikulo, sina Karna at Poly ay nagkakilala noong buwan ng Agosto taong 2017, sa isang Isla sa Bali Indonesia. At para umano kay Karna, ay talagang “love at first sight” ang kanyang nararamdaman kay Poly, ito ay dahil sa talaga namang nakabibighani ang taglay nitong ganda, dahil sa mala-manyika nitong mukha, at napakaputi at kinis nitong balat.

Dahil nga sa talagang iba agad ang naramdaman ni Karna,, para kay Polly, ay agad niya itong niligawan.Sa naging pagpupursige ni Karna sa panliligaw kay Polly, ay nahulog rin ang British na dalaga sa Indonesian surfer, at sa tuwing magkasama sila ay talaga namang nararamdaman nila ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Ngunit tulad nga ng ibang mga relasyon, ay dumaan rin sa pagsubok ang pagmamahalan ng dalawa. Nagkalayo ang dalawa, ng magbalik si Polly sa kanilang bansa sa Manchester, England, kung saan ay tumutol ang kanyang mga magulang sa relasyon niya kay Karna.

Pero dahil nga sa talagang pinagtagpo sila ng tadhan, upang magmahalan, ay nalagpasan nila ang pagsubok na ito, kung saan ay mas lalo pa nitong pinatatag ang kanilang relasyon.

At dahil nga sa talagang mahal nila ang isa’t isa, at nais nila na mapatunayan ito sa lahat, ay nagdesisyon ang dalawa na magpakasal na. Upang mapakasalan si Karna, ay kinailangan ni Polly na magpabinyag sa Islam, at ito nga ay kanyang ginawa.
Ikinasal sina Karna at Polly sa isang traditional Muslim ceremony na ginanap sa bayan nina Karna, sa Magelang, Indonesia.

Wala naman kahit isa sa mga kapamilya ni Polly ang dumalo sa bagong kasal ng dalawa, ngunit ang pamilya ni Karna ay naroon at buo ang naging suporta sa kanila.
Ngunit kahit pa ng aba hindi dumalo ang mga kapamilya ni Polly sa kanyang pagpapakasal kay Karna, ay hindi maiaalis ang kasiyahan sa mukha ng dalaga, .

Samantala, matapos naman ang naging pag-iisang dibdib ng dalawa, ay agad silang nagtungo sa lugar kung saan sila unang nagkakilala, at ito nga ay sa Luku Kitchen, kung saan ito ay pag-aari ni Karna. Ang pag-iibigan ngang ito nina Karna at Polly, ay naging inspirasyon sa maraming taong nagmamahalan.