Connect with us

Inspiring

Mamangha Sa Ginawa Ng Isang Babae Sa Matandang Pulubi Na Nanlilimos

Published

on

Isa sa mga kultura na maipagmamalaki natin mga Pinoy, ang pagkakaisa at pagtutulungan natin sa panahon ng krisis, kalamidad o anu pa man, na kung tawagin nga natin ito ay “Bayanihan.”

Tunay nga na tayong mga Pilipino ay kilala sa pagiging maawain, bukas-palad, at mapagbigay, kaya naman hindi na iba sa atin ang pagtulong sa kapwa, lalo na kung batid natin na ito’y mas nangangailangan.

Marami na tayong kwentong narinig tungkol sa mga kababayan nating Pinoy, na ipinakita ang pagiging matulungin, dito man sa ating bansa o sa ibang panig man ng mundo.

Samantala, isa naming nakakamanghang kwento ng pagtulong ang naging viral online, ito ay ang ng nakunan ng video ng netizens na nagngangalang Florendo Bonavente Bern ang isang babae na taos-pusong tinulungan ang isang pulubing matanda na kanyang nakita sa daan.

Kalakip nga ng video na ini-upload ni Florendo sa kanyang Facebook account ay ang caption na;“Mabuting gawa! Ung pinamiling pagkain ni ate binigay na lang sa mas nangangailangan.”

Makikita ngan sa video ang babaeng nakasuot ng tshirt na kulay pink, at nakasalamin at habang ito ay naglalakad, ay mapapansin na may bitbitbit itong plastic na tila ang mga nasa loob ay mga pagkain na kanyang pinamili.

Mapapansin naman na napansin ng babae ang isang matandang pulubi na nakasunod sa kanya, kung saan tila ito’y gutom na gutom na.

Dahil sa nakita ng babae, na ang matanda ay gutom na gutom na ay umiiral sa kanyang puso ang pagiging matulungin sa kapwa, kung saan ay agad niya itong nilapitan, inakay papunta sa gilid ng daan at doon ay inabutan niya ito ng tubig at makakain na mula sa kanyang pinamili.

Hindi nga lamang nagbigay ng pagkain ang babae sa matanda, dahil mapapansin rin na nakiki-nagkwentuhan pa ito, habang inaabot ang mga pagkain.
Isa pa nga sa talagang nakakamangha sa matulungin na babae, ay ni hindi mo mababakas sa kanya na siya’y nandiri man lamang sa matanda o kahit anumang negatibong ekspresyon ay hindi ito kinakitaan.

Masaya at bukal nga naman sa kanyang puso ang naging pagtulong ng babae sa pulubing matanda, dahil ito ang makikitang ekspresyon sa kanyang mukha sa video.
Sa panahon ngayon na tayo ay nakakaranas ng kahirapan, dulo’t ng krisis, ay mas lalo pa dapat nating pairalin ang pagbabayanihan at pagtulong sa ating kapwa, ito ay kahit sa mga simpleng gawain man lamang, tulad ng ginawa ng babae sa video.