Connect with us

Entertainment

Mamangha Sa Napakaganda At Organisadong Pantry Ng Aktres Na Si Bea Alonzo

Published

on

Maliban sa pagiging isa sa pinakamahusay na aktres sa industriya, isa pa sa mga maipagmamalaki ni Bea Alonzo pagdating sa kanyang personalidad ay ang pagiging organisado niya sa kanyang mga kagamitan.

Kamakailan lamang ng ipinasilip ng aktres ang kanyang pantry sa pamamagitan ng isang vlog na mayroon ng ang titulong “Pantry and Fridge Tour” ay pinatunayan niya kung gaano siya kayos at ka-organisa sa kanyang mga gamit sa loob ng bahay.

Sa unang bahagi ng video vlog ni Bea, ay naunan niya na munang sinabi na siya ay ‘burara’, taliwas nga sa naging pahayag ng kanyang ina sa kanyang mga naunang vlog. At matapos nga nito, ay kanya ng inumpisahan ang pagpapasilip kung ano ang nilalaman ng kanyang pantry at fridge.

Ang Pantry and Fridge tour nga na ito ng aktres ay kanyang ginawa sa kanyang bahay sa Maynila, kung saan ay pinakita niya kung gaano siya kahilig sa pag-organisa ng mga gamit.
Makikita nga na ang pantry ng aktres ay isang buong solid at mayroong mga shelf at cabinet na built in shelf sa floor, ganun din sa ceiling.

Ayon nga kay Bea, ang kanyang mga glass food containers, jars, trays and baskets ang isa sa mga naging sikreto niya kung bakit mas naging organisado at malinis tingnan ang mga gamit niya sa kanyang pantry area. Gustong-gusto umano ng aktres, na nasa maayos na lagayan ang mga nakatagong stock ng pagkain.

“The thing about me is that I like storing my food in proper containers”, ani Bea.
Dagdag pa ng aktres, sa kabila na karagdagang expenses ang food glass container ay talagang nag-invest umano siya sa mga ito dahil sa maliban sa malinis at maayos tingnan ito ay nagtatagal at echo-friendly din ang mga ito.

“Alam ko it’s an extra expense to spend on like containers to spend on like containers or baskets but I’m telling you it’s worth it. And it doesn’t have to be expensive and you will used it for a long, long time. I suggest you invest in them just to make it look more pretty and nilagyan ko rin siya ng expiration dates”, aniya pa.

Mahalaga nga para kay Bea ang paglalagay ng mga expiration dates, ito ay upang maiwasan niya na maabutan ng pahka-expired ang mga pagkain niya sa kanyang pantry. Pahayag pa ng aktres, hindi naman kinakailangan na malaki ang pantry mo, dahil kahit maliit ang pantry basta organisado ito ay magiging napakaganda at bongga nitong tingnan.

“It doesn’t have to be this big. Sa totoo lang, you can have a small pantry and be able to organize it properly. I’m telling if will make you feel good after. Importante talaga na gumamit kayo ng label, so, that you know already kung ano yung mag-eexpire sa hindi”, dagdag na saad pa ng aktres.

Talaga namang kumpleto ng kagamitan ang pantry ni Bea at puno rin ito ng iba’t ibang stock ng pagkain, kagaya na lamang ng pasta noodles, cereal, grains, snacks, hanggang sa iba’t ibang klase ng sauces, spices, condiments at mga uri ng oils.

Ipinakita nga rin ni Bea ang ilan sa mga kagamitan niya sa pagbi-bake, katulad ng kanyang mga baking supplies at tools. Maliban dito ay ibinida din ng aktres na dahil sa pagkahilig niya sa mga K-drama ay mayroon din siyang mga stock ng Korean food na binili.

Bago tinapos ng aktres ang kanyang vlog, ay nagbigay pasilip din siya kung ano ang nilalaman ng kanyang refrigerator, at dito nga ay makikita na maliban sa puno rin ito ng mga pagkain at organisado ring nakalagay ang mga pagkaing ito sa mga containers na mayroon ding mga label.
Dahil sa ipinakita na ito ni Bea, ay siguradong marami na namang mga netizens ang may nakuhang ideya kung paano nila mas mapapanatiling maayos at malinis tingnan ang kanilang pantry.