Connect with us

Entertainment

Mamangha Sa Napakagandang Hardin Ni Jinkee Pacquiao Na Likha Ng Isang Mahusay Na Landscape Artists

Published

on

Nabibilang sa mga popular na personalidad ngayon sa showbiz na mahilig sa mga pananim at bulaklak at tinawag ngang certified plantita, ay ang maybahay ni Boxing Champ – Senator Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao. At dahil sa napakarami na nga nitong halaman, ay talaga namang napuno na ang kanilang bakuran.

Samantala, kamakailan nga lamang ay naging viral online ang hardin ni Jinkee Pacquiao, ito ay dahil nga sa nakamamangha ang ganda ng naging pagkakaayos ng kanyang mga halaman, na kung ituring niya ay ang kanyang mga ‘baby plants.’

Makikita nga sa mga larawan ang napaka-aliwalas na hardin, na talaga namang kaaya-aya sa paningin.
Masasabi nga natin na isang eksperto pagdating sa paghahalaman at landscaping ang may likha ng naging napakagandang pagkaka-ayos ng mga tanim ni Jinkee, at ito nga ay walang iba kundi ang landscape artist na kinilalang si Roy Bacalso.

Ayon nga sa mga naging ulat, ang landscape artists na si Roy Bacalso, ay isang 42-taong gulang na, at 10-taon nan gang ikinabubuhay ang pagla-landsaping. Nagtatrabaho umano ito sa Green Style Landscape and Design, sa General Santos City, ang lugar nga kung saan nagmula ang mga Pacquiao.

Nang maka chikahan nga ng PEP.ph, si Roy sa isang direct message sa Instagram nito, ay ibinahagi nito na ang mismong mag-asawang Jinkee at Manny, ang nagtatrabaho sa kanya ng hardin ng mga ito.

Dagdag na sagad pa nga ng landscape artists, hindi naman lahat ng mga ginawa niya sa hardin, ay kanyang ideya, dahil may mga request din umano si Jinkee sa kung ano ang nais nito na gawin niya sa hardin nito.

“May mga request ‘yan si Madame Jinkee like flower plants or bonsai. It all depends sa area na ipa-landscape niya. Si Sen. Manny naman seldom po ‘yan mag-request ng mga plants. While kami dalawa naman ni Madame Jinkee we’re not holding back sa mga ideas”

Chinika pa nga ni Roy ang ilan sa mga halaman na kanyang inilagay sa hardin ng mag-asawang Jinkee at Sen. Manny. Isa nga umano sa mga halaman na kanyang ibinigay ay ang variegated Alocasia elephant ear, na nagkakahalaga ng P25,000, dahil sa napaka bihira ng halaman na ito.

Ang kakambal naman ni Jinkee na si Janet, ang unang nakarinig ng husay ni Roy sa pagiging landscape artists. At dahil nga kay Janet, kaya siya ang nakuha nina Jinkee at Sen. Manny na landscape artists.
Unang nasubukan ng mag-asawang Jinkee at Sen. Manny ang husay ni Roy sa landscaping noon pang taong 2012, ng ipare-design nila ang kanilang hardin sa Mansion 2, sa General Santos City.