Connect with us

Entertainment

Marcelito Pomoy Pinasaya Ang Isang Matandang Babae Dahil Sa Kanyang Napakagandang Regalo Dito

Published

on

Tunay nga naman na ang nararanasang kahirapan sa buhay ng isang tao ay nagbibigay ng inspirasyon sa ilan upang mas magsumikap pa sa kanilang buhay na ito ay bigyan ng pagbabago upang maranasan ang kaginhawaan na nais nila sa kanilang buhay.

May mga tao rin na kahit pa nga umangat na sa buhay ay hindi pa rin nila nalilimutan ang kahirapang kanilang pinagmulan.

Kaya naman upang magbalik ng kanilang pasasalamat sa Poong Maykapal sa lahat ng biyayang natanggap nila sa kanilang buhay, ay gumagawa sila ng mga bagay na maaaring makatulong sa ibang tao, lalo na sa talagang nahihirapan dahil alam din nila sa kanilang mga sarili kung paano ang maging isang mahirap.

Isa na dito ang sikat at popular na singer ngayon na si Marcelito Pomoy. Para sa kaalaman ng nakararami hindi naging madali ang buhay na tinahak ni Marcelino bago pa man niya marating ang popularidad at maginhawang buhay na mayroon siya ngayon.

Sa kanyang kabataan ay naranasan na agad ng batang Marcelino ang kahirapan sa buhay, nakulong ang kanyang ama at iniwan naman siya ng kanyang ina kapatid ng nagtungo ang mga ito sa Manila dahil sa nagtatrabaho roon ang kanyang ina.

Hanggang sa magkaroon na nga ng sari-sariling pamilya ang kanyang ama at ina dahil sa paghihiwalay ng mga ito.

Isang Police Officer naman ang kumupkop at tumulong kay Marcelino, upang siya ay makapag hanap ng trabaho kahit pa ng aba binata pa lamang siya noon.

Bago pa man nga narating ni Marcelino ang kanyang tinatamasa ng popularidad ngayon, ay ilang mga singing contest muna ang kanyang sinalihan, hanggang sa naging kalahok nga siya sa isa sa pinaka-popular na singing contest sa buong mundo at ito ay ang “America’s Got Talent: The Champions Season 2.

Ayon nga kaya Marcelino, una niyang nadiskubre ang tinatago niyang talento ng siya ay nagtatrabaho sa isang poultry, kung saan ay namangha rin siya dahil sa pagkakaroon niya ng kakaibang kakayahang kumanta na gamit ang boses tenor at soprano.

Dahil sa kanyang maganda at kakaibang boses ay marami nga ang humahanga kay Marcelino, ngunit mas lalo pang hinangaan ang singer ng kamakailan lamang ay pinatunayan niya na hindi lang siya isang magaling na singer kung hindi isa ring taong may mabuting kalooban na handang tumulong sa nangangailangan.

Isang matandang babae na nakatira sa isang tagpi-tagping bahay-kubo ang agad na tinulungan ni Marcelino ng makita niya ang kalagayan at tinitirhan nito . Ipina-ayos agad ni Marcelino ang sira-sirang kubo nito, hanggang sa maging isang simple, matibay at kumportableng bahay ito na tinitirhan ng matandang si Nanay Aurora.

Hindi nga lamang ito ang ibinigay na tulong ng ating butihing singer, dahil matapos ang simpleng bahay ay binilhan din niya si Nanay Aurora ng ilang kagamitan para sa kanyang munting tahanan, tulad ng lamesa, upuan at isang kumportable ng higaan.

Wala nga namang mapagsidlan ang kasiyahang nadarama ni Nanay Aurora ng masilayan niya na ang kanyang sira-sirang kubo noon ay isa ng maayos at kumportabeng kubo ngayon.

Hindi nga nito napigilan ang mapaluha sa sobrang kasiyahan, at todo ang pasasalamat niya sa kabutihan ng singer na si Marcelino Pomoy sa ginawang pagtulong nito sa kanya.