Connect with us

Showbiz

Marco Alcaraz Nagbigay Tips Kung Paano Magmahal At Mag Alaga Ng Misis “Pera Ni Mister Pera Ni Misis Yun.”

Published

on

Isa sa mga celebrity couple ngayon na masayang nagsasama at nagmamahalan bilang mag-asawa ay sina Marco Alcaraz at Larah Quigaman, kung saan mas pinagbuklod pa nga sila ng magkaroon sila ng tatlong mga anak na sina Noah, Tobias at Moises. Masasabi namang napaka-swerte ni Miss International 2005 Larah Quigaman sa kanyang mister na si Marco, ito ay dahil makikita naman talagang siya ay mahal na mahal nito base na rin sa ipinapakita at ipinapadama ng aktor sa kanya.

Makikita nga sa mga post ni Marco sa kanyang social media account ang madalas niyang pagbabahagi ng mga bagay na patungkol sa maganda at masayang pagsasama nilang mag-asawa. Samantala, kamakailan lamang ay nagbahagi muli ang aktor sa kanyang social media ng ilang mga tips na makakatulong sa isang mister, kung paano mas maipapadama ang pagmamahal at pag-aalaga sa kanyang misis.

Ayon kay Marco, una sa lahat ay ang ‘Give your wife time and resources for self-care’, kung saan bilang isang mister nga ay mahalaga na bigyan ng oras o kagamitan ang kanyang misis upang mapangalagaan nito ang sarili. Saad pa ni Marco, mahalaga na mapangalagaan ng isang misis ang kanyang sarili, upang maalagaan rin nilang mabuti ang kanilang pamilya. “Lagi niyo dapat aalagaan mga asawa nyo… bigyan nyo sila ng me time.. para maalagaan tayo at ang mga anak natin ng mabuti.’

Ikalawa namang ‘tips’ ni Marco, ay ang ‘Never fight for a money’. Batid naman natin na maraming mag-asawa ang madalas na pinag-aawayan ang pera, ngunit ayon nga sa aktor, ay hindi dapat nag-aaway ang mag-asawa pagdating sa usaping pera. Masasabi nga umano na masaya ang isang pagsasama ng mag-asawa kung pagdating sa usaping pera ay mangingibabaw ang respeto at tiwala.

“Malalaman mo na masaya ang pagsasama nyo mag-asawa kung may resperto, tiwala at hindi pinag-aawayan ang pera. Kaya pag pera ni Mrs. pera nya yun at kapag per ani Mr. pera parin ni Mrs. yun. Ang pangatlong tips naman nng aktor ay ang ‘Compliments go along way.’ Ayon nga kay Marco, mahalaga na kahit matagal na kayong nagsasama ng iyong misis ay kinakailangan pa rin na ang isang mister ay nagbibitaw ng matamis na salita sa kanyang asawa.

‘Stick to one partner’, ang ikaapat naman na tips ni Marco, na ang ibig ngang sabihin ay maging tapat sa asawa at kailangan na nag-iisa lamang ang iyong misis na mamahalin mo at huwag na ngang magtangka pang maghanap ng iba. Sumunod naman na tips ni Marco o ang panglima nga ay ang ‘Find ways to revive the honeymoon stage’, a kahit nga ilang taon na kayong kasal, ay maganda na maipadarama ng isang mister sa kanyang misis ang isang pagsasama na tila sila’y nasa honeymoon stage pa rin.

“Dapat laging bagong kasal ang pagtrato nyo sa asawa nyo para mas lalong tumamis ang pagsasama niyo.” Dagdag pa ng aktor, mahalaga rin ang ‘Help with the daily chores’ o ang pagtulong nga ni Mister sa gawaing bahay. Ayon nga kay Marco, kapag may inutos si Misis sundin na ito agad, at huwag ng antayin na magalit pa ito. “Pag sinabi ni Misis ‘Maglinis’, maglinis agad, huwag na hintayin magalit pa siya. At kahit hindi naman sabihin , I make sure na I do my part keep our home safe and germ free, especially now that it’s Cold and Flu season.”

Ikapito namang tips ni Marco ay ang ‘Settle misunderstanding as soon as possible’ o dapat nga sa mag-asawa ay hindi pinapatagal ang tampuhan o hindi pagkakaintindihan, at kailangan na pag-usapan kaagad upang masolusyunan o maresulba niyo rin ito agad. “Normal lang sa mag-asawa ang mag-away at magkatampuhan. Pero siguraduhin na pag-usapan kaagad ito pra hindi na lumaki. Kasi kapag lumaki baka lumaki din ang tiyan ni Mrs at masundan si bunso. Agree ba kayo.”

‘Humility is key’ naman ang ikawalong tips ng aktor, kung saan sa kabila ng hindi niya pagiging perpektong mister ay handa niyang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya at hindi rin nga niya kinakalimutan na humingi ng tulong sa Diyos upang mas maging mabuti pa siyang padre de pamilya.
“I’m not the best dad and husband, but I’m giving it my best. Learning to take life one day at a time. And that’s all that God call us to do. My fam loves me unconditionally, even with all my flaws. God has blessed me with more than I deserve.”

Ang pang-siyam namang tips ni Marco ay ang ‘Intimacy is important’, na ang ibig sabihin ay kailangan hindi mawala ang romansa sa pagsasama ng mag-asawa. Ayon nga kay Marco, kahit na mag-asawa na sila ng kanyang misis na si Larah, ay itinuturing niya pa rin itong girlfriend at ipinapadama niya rito ang labis niyang pagmamahal. “Continue to date and continue to treat her like my girlfriend. Don’t stop doing things na ginagawa niyo nung nagsisimula pa lamang kayo.”

‘Spell it out in words, as well as action’ ang pinakahuli ngang tips ni Marco. Kinakailangan nga na ang matatamis na salita na binibitiwan ng isang mister sa kanyang misis ay isinasagawa rin nito, kung kaya naman kapag nagbitaw ng sweet words dapat makikita rin ito sa gawa. Ayon nga kay Marco kapag ang mga tips na ito ay ginagawa ng isang mister tiyak na masaya si misis, at sabi nga nila, kapag masaya ang misis, ay mananatili rin na masaya ang isang pamilya.