Showbiz
Mark Herras Ibinahagi Na Ibinibigay Ang Buong Sahod Sa Kanyang Asawa

Kapag ang isang tao ay nagkakapamilya maraming mga bagay ang mas natutunan pa niya pagdating sa buhay. Sa pagkakaroon din ng obligasyon kaakibat ng pagiging isang pamilyadong tao, ay nagbabago ang ating pag-uugali at pananaw, at mas nagiging responsable nga tayo sa mga bagay-bagay.
Maging ang mga sikat na personalidad din sa showbiz na ating hinahangaan ay may mga nagiging pagbabago din sa buhay noong sila ay bumuo na ng kanilang sariling pamilya. Kagaya na nga lamang nito ay ang aktor na si Mark Herras, na kamakailan lamang ay ibinahagi ang karanasan niya at mga natutunan sa buhay magmula ng siya ay magkaroon na ng kanyang sariling pamilya.
Buwan ng Setyembre taong 2021 ng ikasal ang Kapuso actor na si Mark Herras sa kanyang kasintahan na si Nicole Donesa. At ng makapanayam nga si Mark noon, ay ibinahagi niya na magmula ng siya ay maging isa ng asawa at ama ay marami ang naging pagbabago sa kanyang buhay at maging sa pag-uugali niya.
Ibinahagi ni Mark ang mga karanasan niya magmula ng siya ay magkaroon na ng sariling pamilya at ang kanyang buhay bilang isang ama at asawa. Nagbahagi din siya ng ilang mga payo kung paano ang kanyang ginagawa upang hindi sila magkaroon ng anumang problema ng kanyang asawa lalo na pagdating sa usapin ng pera.
Ibinunyag ng Kapuso actor na pagdating sa usaping pera ay buong sahod nga niya ang ibinibigay niya sa kanyang asawa. Ang misis niya umano ang bahala sa pagba-budget nito, ay kung mayroon man siyang kailangan bilhin ay humihingi lamang siya rito.
Tulad naman sa tipikal na mag-asawa, hindi rin naman naiiwasan na magkaroon si Mark at ang misis niyang si Nicole ng tampuhan o hindi pagkakaunawaan. Ngunit kung noon ay hindi kaagad nila naayos ang mga ito, ngayon nga ay pinagtutulungan na nilang mag-asawa na maresulba agad anuman ang kanilang hindi pagkakaintindihan o tampuhan.
Maliban nga sa pagiging isang mabuting asawa, isa pa din sa mga karanasan ni Mark magmula nga ng siya ay bumuo ng kanyang sariling pamilya ay ang mag-alaga ng sariling anak. Ayon sa aktor, natutunan niya ang ilang mga simpleng bagay pagdating sa pag-aalaga ng kanilang anak, tulad na lamang ng pagpapaligo o pagkakain nga sa anak nilang si Corky.
Talaga namang naging katuwang si Mark ng misis niyang si Nicole sa pag-aalaga sa kanilang anak, at sa kabila nga ng pagiging abala niya sa trabaho ay sinisigurado naman niya na nagagawa pa rin niya na maging isang hands-on daddy.
