Connect with us

Entertainment

Martin Nievera Ipinakilala Na Ang Kanyang Napakagandang Non Showbiz Girlfriend

Published

on

Noong ika-6 ng Hulyo 2022, araw ng Miyerkules ay ginanap ang plaque of appreciation ceremony para sa mahusay na mang-aawit na si Martin Nievera sa The Forums Solaire Resort. At sa isang pambihirang pagkakataon din na ito, ay ipinakilala na ng mahusay na mang-aawi sa ilang member ng entertainment press kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Angie Lyn ‘Anj’ del Rosario.

Pagkatapos nga ng naturang event, ay nagkwentuhan ang lovelife ni Martin at dito na nga inamin ng binansagang Concert King na nasa 13 o 14 taon na silang magkarelasyon ng nobya niyang si Anj.
Kuwento ni Martin, sila ni Anj ay matagal ng magkakilala, ito ay dahil nga sa silang dalawa ay pareho ring residente ng isang exclusive village sa Muntinlupa City, ito nga ay ang Ayala Alabang. Sila umanong dalawa ay may kanya-kanyang bahay sa naturang village, at magka-street lamang.

Ayon kay Martin, kapag mayroon mga gatherings sa village ay doon nagku-krus ang landas nil ani Anj at mayroon ngang mga pagkakataon na kapag nagkita sila ay nakakapag heart-to-heart talk sila. At sa madalas nga nilang pagkikita at pagkakka-kuwentuhan ay dito umano nila napagtanto na madami silang pagkakapareho.

“Yeah, yung problems with our relationships. Yung parang lonely hearts band? “And then, that’s what we realized—ang dami kaming in common,” ani Martin. Nang itanong naman kay Martin kung mayroon ba silang plano ni Anj na magpakasal, ay ito ang kanyang naging sagot, “Eventually, yeah. But I haven’t popped the question.”

Ibinahagi rin niya ang kanyang pananaw ngayon tungkol sa pagpapakasal, ito nga ay matapos na nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng dati niyang naging asawa na si Pops Fernandez.
“Although, I dunno if I have to pop any question to anyone. Takot ako, e. “I’ve lasted longer with her [Anj] without a ring than I did with Pops with a ring,” prangkang saad ni Martin.

Si Martin at Anj ay pareho na ring mayroon ng mga anak, si Martin ay may mga anak sa dati niyang misis na si Pops Fernandez na mga binata na nga, samantala ang nobya niyang si Anak ay may dalawang anak at ang panganay nito ay nasa 23-taong gulang na. At dahil dito ay may posibilidad din na hindi na sila magpakasal, dahil ang mahalaga naman ay maayos at masaya ang kanilang pagsasama at relasyong dalawa.

Paglalahad pa ng mang-aawit, isa sa pinakamalaking bagay kaya nagwowork ang relasyon nila ni Anj ay dahil sa pagiging supportive at understanding ng nobya. Sa loob nga ng mahabang panahon, ay naging low-key lamang ang relasyon nila ni Anj, ito ay dahil iniiwasan din ni Martin na mapasukan ng anumang intriga ang maayos at masayang relasyon nila ng kanyang non-showbiz girlfriend.

“But she and I have both a great relationship. I never had a better relationship because she’s so patient.
“She’s so behind the scenes, which I’m not saying that the guy has to be in front of the scene.
“I’m just saying, in my world, I’ve been lying about her to all of you for so long, ’cause I’ve been trying to protect her from us, from our world, our expectations, so many questions”, ani Martin.