Connect with us

Entertainment

Mary Pacquiao Kumasa Sa 24-Oras Tagalog Challenge At Ipinasilip Ang Walk In Closet

Published

on

Kamakailan lamang sa kanyang YouTube channel ay uling nagbigay ng kasiyahan at goodvibes sa kanyang mga tagasubaybay ang anak ni Manny Pacquiao na si Mary. Pinagbigyan nga ng dalagang anak ng Senador at Pambansang Kamao, ang kahilingan ng kanyang mahigit na 1-milyong mga subscribers na gagawin niya ang 24-Hours Tagalog Challenge.

Samantala, habang ginagawa ni Mary ang kanyang 24-Hours Tagalog Challenge ay ipinasilip rin ng dalaga ang walk-in closet nila ng kanyang kapatid na si Queenie, kung saan nga ay ipinakita niya ang kanilang mga kagamitan.

Sa naging pagsisimula ni Mary, ay agad niyang inamin na medyo hirap siya sa pagsasalita ng Tagalog kaya talagang malaking hamon sa kanya ito. Ito ay dahil nga sa nasanay siyang ang ginagamit na wika ay Ingles at Bisaya, kung saan ay ang ama nga niyang si Senator Manny Pacquiao at ina niyang si Jinkee ay mas madalas rin na nagsasalita ng bisaya.

Ngunit kahit batid nga niyang hirap siya sa pagsasalita ng Tagalog ay kumasa siya sa challenge para mapagbigyan ang kanyang mga tagasubaybay, at upang mabigyan nga ng kasiyahan at aliw ang mga ito.

Habang tuloy-tuloy ang isinagawa ni Mary na pagsasalita ng Tagalog, ay ipinasilip nga din niya ang walk-in closet nila ng kapatid niyang si Queenie. Ipinakita niya ang kanilang mga iba’t ibang uri at klase ng damit, nan aka-organisadong nakalagay sa isang cabinet

Mapapansin nga na ang kanilang mga damit ay naka-ayos depende sa okasyon kung kailan nila ito kinakailangang gamitin, kagaya na lamang ng kanilang mga ginagamit sa pagsisimba, mga sinusuot sa eskwela, mga okasyon at mga pang-araw araw nilang kasuotan.

Ipinakita nga rin ni Mary ang isang maliit na box sa loob ng kanilang cabinet, kung saan ay nakalagay ang kanilang mga pag tali sa buhok ni Queenie. Sa ginawa ngang pagpapasilip ni Mary ng walk-in closet nil ani Queenie, ay masasabi nga natin na talaga namang napakalaki ng silid ng magkapatid. Ang walk-in closet din nila ay talagang kamamanghaan hindi lang sa pagiging organisado nito, kundi maging sa magandang disenyo at pagkakagawa dito.

Habang naglilibot pa nga si Mary sa kanilang tahanan, ay nakakasalubong niya ang kanilang mga kasambahay, kung saan ay napansin rin ng mga tagasubaybay ng dalaga ang pagiging magalang at mapagkumbaba nito dahil sa maayos na pakikitungo niya sa mga kasama nila sa bahay.

Panandalian lamang tumambay si Mary sa kanilang living area, at dito nga ay nag-picture picture muna ang dalaga. Naging agaw-pansin pa nga sa mga mata ng mga netizens ang napakagandang interior design ng tahanan ng mga Pacquaio kahit na ito’y nahagip lamang sa vlog ni Mary.

Ayon ng kay Mary ay hindi na siya magpasilip pa o nagbibigay ng anumang detalye sa ibang bahagi ng kanilang tahanan, dahil ang kanyang ina na si Jinkee Pacquiao umano ang gagawa nito sa mismong vlog ng kanyang mommy, kung saan nga ay magkakaroon umano ito ng bonggang house tour na aabangan na naman nga ng marami.