Connect with us

Inspiring

Matagumpay Na CEO Ng Malaking Kumpanya Nangarap At Sinubukang Maging Isang Magsasaka

Published

on

Si Tres Domingo ay isang CEO ng matagumpay na kumpanya na Idea X Machina (IXM), isa sa mga nangungunang advertising company sa Pilipinas. Talaga namang malaki at matagumpay ang kanyang kumpanya, dahil kamakailan nga lamang ay nagkamit ito ng dalawang parangal sa ginanap na Campaign Agency of the Year Awards laban sa iba pang mga competitors nila sa buong mundo.

Naparangalan ang nasabing kumpanya bilang Best Place to Work and Talent Management Team of the Year. Samantala, bago man nga tinamasa ni Tres Domingo ang matagumpay niyang buhay ngayon ay naranasan niya muna nag hirap ng buhay, dahil sa nagmula siya sa kapos ring pamilya. Siya ay lumaki sa loob ng compound ng National Bilibid Prisons kung saan doon din nagtatrabaho bilang gwardya ang kanyang ama.

Lumaki si Tres na ang kanyang mga nakakalaro ay ang mga inmates sa nasabing bilibid, kung saan nga ay ang madalas nilang nilalaro ay chess. At tulad nga ng ibang indibidwal na naging matagumpay sa kanilang buhay, ay nagsumikap si Tres sa kanyang buhay kaya naman mula sa mahirap na buhay ngayon nga ay mayroon na siyang pag-aari na matagumpay na kumpanya.

Maliban pa sa sariling kumpanya na naipundar ni Tres, ay nabigyan niya rin ng katuparan ang isa sa kanyang pangarap, at ito nga ay ang maging magsasaka kung saan ay naging matagumpay din siya.

Kamakailan nga lamang sa naging panayam ng Esquire Philippines kay Tres, ay naikuwento at naibahagi niya kung paano niya nakamita nag tagumpay sa buhay, at kung bakit niya pinangarap na maging isang magsasaka kahit na siya’y CEO na ng kanyang sariling kumpanya.

“It’s a return to my roots kind of thing”, saad ni Tres. Dagdag pa niya, “I come from a family of teachers and farmers. When was a kid, I enjoyed helping out in the rice fields of relatives during the summer break.” Ibinahagi rin ni Tres na sa larangan na kanyang pinasok na farming at advertising ay malaki ang pagkakaiba ng excitement na kanyang nararamdaman sa tuwing tinatrabaho niya ang mga ito.

Kuwento niya, ang buhay sa advertising halos wala ng pahinga dahil kahit gabi ay nagtatrabaho ka pa rin, samantalang sa pagtatrabaho sa bukid sa kabila ng pagod sa maghapon, pagdating naman ng gabi ay maari ka ng magpahinga.

Naikuwento pa ni Tres, na ang mga Aeta ang kanyang nakakatulong sa kanyang bukid lalo na kapag siya ay abala sa kanyang trabaho sa Maynila. Ang mga ito umano ang kanyang katulong sa pangangalaga ng napakahabang itlog na pinagkukunan nila ng supply ng tubig para sa kahat ng kanilang mga tanim, kagaya ng palay, kape, mulberries, prutas at gulay.

Ayon pa kay Tres magmula ng simulant niya ang pagsasaka ay marami siyang natutunan sa buhay ng isang magsasaka, at mas naintidihan niya ang kalikasan. Noong una nga umano ay hindi naging madali kay Tres na matutunan ang mga bagay sa pagsasaka, kung saan naranasan pa nga niya noon na pagtawanan ng mga magsasaka dahil sa hindi niya nakayang umani ng 100 kaban ng palay,

dahil sa 30 kaban lamang ang nakaya niya na bawat ektarya na kanyang lupain. Sa kabila nito ay hindi naman siya pinaghinaan ng loob, at mas lalo pa ngang naging determinado na maging mahusay na magsasaka.

Pinag-aralan ni Tres ang tamang proseso ng pagsasaka, kung saan ay nanood siya sa YouTube ng mga farming tutorials at nagbasa ng libro na mga patungkol sa tamang modern farming. Siya’y nag-invest ng tractor para mapadali ang pag-araro ng lupain at inalam rin niya kung ano ang mga naging pagkakamali niya noon kagaya na nga lamang ng “not leveling his field, not investing in fertilizers, and not preparing the soil.”

Matapos nga ang naging pagsisiyasat at pag-aaral ne Tres sa farming, gamit ang kanyang mga natutunan ay matagumpay siyang nakapag-harvest ng 110 cavan per hectare sa ikalawang harvest season na talaga namang ikinabilib na ng mga magsasaka sa kanya.

“Hindi sila makapaniwala, pero tuwang tuwa din.” “Naka 110 cavans of rice ako per hectare during my second harvest. Balitang balita ako sa barangay naming! Takang-taka ssila sa dalawang malaking truck na nagpupunta sa farm ko, bibili ng palay ko!”

Sa ngayon nga ay nagmamay-ari na si Tres ng sampung hektaryang lupain sa Tarlac, kung saan ito ang kanyang sinasaka. Kabisado na rin niya ang rice farming kaya naman talagang masayang masaya siya sa resulta ng panibagong tagumpay niya.