Connect with us

Showbiz

Matapos Mawala Sa Showbiz Ng Dating Co-Host Noon Ni Willie Revillame Ito Na Ang Naging Buhay Ngayon

Published

on

Natatandaan niyo pa ba si Shalani Soledad? Ang dating co-host ni Willie Revillame sa kanyang programa at nakilala din bilang ang dating nobya ni former President Benigno ‘Noynoy’ Aquino III. Nasaan na nga ba siya ngayon at ano na ang kanyang buhay? Si Shalani Soledad ay isang news reporter sa UNTV noong makilala niya noong taong 2005 ang dating president na si Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na noon nga ay kongresista pa lamang sa ikatlong distrito sa lalawigan ng Tarlac. Naganap ang pagtatagpo nilang dalawa ng mag-ulat nga noon si Shalani sa ginanap na State of the Nation Address ng noon ay pangulo ng bansa na si Gloria Macapagal Arroyo, kung saan ay dinaluhan rin ito ni Noynoy.

Ang magandang samahan nina Shalani at Noynoy ay nagsimula noong taong 2008 at tumagal hanggang taong 2010, ito nga ay bago ang naging pagproklama kay Noynoy bilang Presidente ng Pilipinas. Ayon sa ulat, ang pagiging abala nga pareho ng dalawa at kakulangan na nila sa oras sa isa’t isa ang naging mitsa upang mauwi sa hiwalayan ang maganda nilang samahan.

Taong 2010, matapos nga ang balitang hiwalayan nina Shalani at Noynoy, ay napanood na si Shalani sa program ani Willie Revillame kung saan ay naging co-host nga siya ni Willie. Dahil naman sa magandang samahan ng dalawa, ay marami nga ang kinilig sa kanila at ang iba pa ay umasa na magkaroon ng relasyon sina Shalani at Willie.

Ngunit ayon nga sa TV host-actor na si Willie, ang kanilang relasyon ni Shalani ay hindi patungo sa isang romantikong relasyon, sapagka’t ang layunin lamang niya ay ang matulungan si Shalani na tuluyan ngang maka-move on sa katatapos lamang nito na relasyon kay Noynoy. Samantala, matagal-tagal na rin nating hindi nasisilayan ng publiko si Shalani. Ngunit ayon sa mga lumabas na ulat, sa kasalukuyan nga ay masaya na itong namumuhay kasama ang kanyang binuong pamilya.

Ayon sa ulatm si Shalani Soledad ay ikinasal na noong taong 2012 kay Pasig Representative Roman Romulo, kung saan ito umano ang isa rin sa dahilan kung bakit tuluyan niyang iniwan ang pagiging co-host sa Wil Time Big Time. Ang kasal nga ng dalawa ay naganap sa St. Benedict Church sa Ayala Westgove Heights. Kahit naman ilang taon ng kasal ang mag-asawa, hanggang ngayon naman ay nanatili silang walang anak.

Sa kasalukuyan nga ay 41-taong gulang na si Shalanin, at aminado naman siya na sa edad niya ay hindi na nga ganoon kadali sa kanya ang magdalang-tao. Ngunit upang magkaroon nga sila ng supling mag-asawa ay handa umano silang dumaan sa proseso ng IVF o In Vitro Fertilization.