Connect with us

Entertainment

Mayor Isko Moreno Personal Na Binisita Ang Mga Centenarians At Ipadama Ang Kanyang Pagmamalasakit at Pagmamahal

Published

on

Kung ang pag-uusapan lamang naman ay serbisyong publiko, ay isa na ang butihing alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno, sa pinaka-hinahangaang alkalde ngayon sa ating bansa.

Image Credit via Google

Batid ng marami sa atin kung gaano kalaking pagbabago ang nangyari sa Lungsod ng Maynila, magmula ng umupo bilang alkalde nito si Isko Moreno. Isa nga sa mga kahanga-hangang nagawa ng alkalde sa nasabing lungsod, ay ang clearing operation na kanyang ginawa sa Divisoria.

Image Credit via Google

Noon ay alam ng marami sa atin na ang Divisoria, ay isa sa mga lugar sa Lungsod ng Maynila, na talaga namang hindi umuusad ang daloy trapiko, ito ay dahil sa mga tiangge na nagtitinda sa kalsada. Ngunit ngayon nga ay isa na itong maaliwalas na lugar, kung saan ay marinig ipinagbabawal na ng alkalde ang pagtitinda sa kalye nito.

Image Credit via Google

Sa ilang buwan ng lamang na naging panunungkulan ni Mayor Isko Moreno sa Lungsod ng Maynila, ay pinatunayan niya na kung talagang gumagalaw at nagtatrabaho lamang ang mga nasa katungkulan, ay talaga namang maraming pagbabago at pag-unlad ang maaaring mangyari sa Maynila.

Image Credit via Google

Samantala, muli namang hinahangaan ng mga netizens ang butihin at masipag na alkalde ng Maynila, ito ay ng personal niyang puntahan sa kani-kanilang mga tahanan ang mga centenarians na ang mga edad ay nasa 100-taong gulang, upang ibigay sa mga ito ang cash gift ng mga ito.

Image Credit via Google

Sa Centenarians Act of 2016, ay nakapaloob na magkakaroon ng cash gift ang mga nakakatanda na ang edad ay aabot sa 100-taong gulang. Kung sa ibang lugar nga, ay ang mga benepisyonaryo mismo nito ang kukuha, pagdating nga sa Lungsod ng Maynila at sa pamamahala ni Mayor Isko Moreno, ay mas pinadali niya ito.

Image Credit via Google

Personal ngang tinungo ni Mayor Isko Moreno, ang tahanan ng bawat matanda na makakatanggap ng P100,000 na cheke, ito ay upang hindi na umano mahirapan pa ang mga ito. Maliban pa nga sa pag-abot ng cheke, ay kinamusta rin ni Mayor Isko ang kalagayan ng mga matatandang centenarians, at ang katayuan ng kabuhayan ng mga pamilya nito.

Dahil nga sa ipinakita ng pagmamalasakit at pagmamahal ni Mayor Isko Moreno, sa mga centenarians sa kanyang nasasakupan Lungsod, ay muli nga siyang nakatanggap ng paghanga sa mga netizens.Narito nga ang ilang mga komento ng mga netizens, na nagpaabot ng kanilang paghanga para sa alkalde;

“sana lahat ng mayor ganyan. Pero kamustahin naman natin ang ibang mayor, nagtatago yung iba, at yung iba halos hindi na makita at di pa matapos tapos ang ibang pinagibang kalsada iniwan lang nila pagkatapos ng voting at nanalo wala na parang bula lang. yorme Isko sana wag ka magbago at ipagpatuloy mo lang yan kabutihan mo sa kapwa. God bless u?”

“Araw-araw mayroon kang sorpresa. You’re the best Mayor talaga. Kaya naman lagi kang trending, kaabang-abang ang bawat araw sa mga mabuting nagagawa mo. God bless you Mayo!”“Mabuhay ka Mayor,,may puso po kayo para sa kapwa Pilipino! YOU’RE ONE IN A MILLION.”

Wow ginawa talaga ang pagtulong sa mga matatanda na. 100 years, galing talaga ng mayor ng Maynila. Walang katulad yan ah?” Ano ang masasabi niyo sa pagiging isang butihin at napaka sipag na alkalde ng Maynila ni Mayor Isko Moreno?