Connect with us

Inspiring

Mayor ng Palayan Nueva Ecija Pinamangha Ang Marami Dahil Sa Pinamahagi Niyang Cash Assistance Sa Kanyang Nasasakupan

Published

on

Hindi nga naman biro ang hirap na pinagdaanan ngayon ng marami nating mga kababayan, lalo na ang mga taong hindi makapag hanapbuhay ng maayos dahil sa pagpapatupad ng ECQ o Enhance Community Quarantine.

Image Credit via Google

Kabi-kabilang mga hinaing at reklamo nga ang ating naririnig sa ating mga nahihirapan mga kababayan, ngunit alam naman natin na kailangan din natin sumunod sa protocol na pinapatupad ng ating gobyerno dahil ito ay para rin sa kaligtasan nating lahat laban sa pandemic ngayon na Covid-19 virus.

Image Credit via Google

Tunay nga namang napakahirap ng pinagdaraanan na sitwasyon ngayon ng lahat sa atin, maging ang gobyerno ng ating bansa.

Image Credit via Google

Ngunit, magkaganoon man ay marami pa rin sa atin ang hindi nawawalan ng pag-asa at patuloy na nananalangin na isang araw ay darating din ang isang umaga na maayos na ang lahat at normal na tayong makakabalik sa ating mga trabaho ng walang anumang pinangangambahan.

Image Credit via Google

Sa pagsubok at krisis na pinagdaanan natin ngayon, ay patuloy rin naman ang pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat upang ibangon ang isa’t-isa. May tulong na nagmumula sa ating gobyerno, local na pamahalaan, mga kilalang personalidad at artista at maging mga pribadong organisasyon.

Image Credit via Google

Maging ilang mga lider ng kani-kanilang bayan ay nag-paabot rin ng tulong sa kanilang nasasakupan, at isa na nga dito ang kinabibiliban na Mayor ng Palayan, Nueva Ecija dahil sa ginawa niyang pamimigay ng cash assistance na nagmula mismo sa sarili niyang bulsa.

Ayon sa post ng City Councilor na si Julius Sta. Maria, ay napakabuti ng alkalde ng bayan nila dahil sa nagbigay ito ng tulong pinansyal para sa nasasakupan nito.

Si Mayor Rianne Adrianne Mae J. Cuevas ang nakakabilib na alkalde ng Palayan, Nueva Ecija. Alas-sais pa lamang umano ng umaga ay nagikot-ikot na ito upang magbahagi ng kaunting tulong pinansyal para sa kanyang mga kababayan.

Ayon sa naging ulat, namigay ng pinansyal na tulong na nagkakahalaga ng tatlong-libong piso ang ipinamahagi ng alkalde sa bawat pamilya na kanyang nasasakupan, maliban pa nga ito sa tulong pinansyal na mula sa DSWD dahil ito ay mismong galing sa sariling bulsa nito.

Malaking tulong nga naman para sa kanyang nasasakupan ang ginawang ito ni Mayor Rianne. At patunay nga lamang ito, na sa ganitong mga pagsubok at krisis na ating pinagdada-anan ay huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil darating ang anumang tulong basta manalig lang tayo sa ating Diyos Ama.