Connect with us

Showbiz

Mega Star Sharon Cuneta Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Napakagwapong Anak Na Isang Sundalo Sa Amerika

Published

on

Ang buhay ng isang artista ay karaniwan ng nagiging bukas sa publiko, lalo na nga kung ikaw ay talaga namang sikat na sikat at laging sinusubaybayan ng marami mong mga tagahanga at tagasuporta.
Isa ang batikang singer-actress na si Sharon Cuneta sa mga personalidad sa showbiz na talaga namang sikat na sikat noong kanyang henerasyon. Dahil sa kanyang pagiging isang mahusay na mang-aawit at aktres ay tinagurian nga siyang “Mega Star” ng showbiz. Simula pa lamang ng pasukin niya ang pag-aartista ay naging bukas na sa publiko ang kanyang buhay, mapa-pamilya man ito o trabaho.

Dahil sa pagiging bukas ng buhay ni Sharon sa publiko, ay naging saksi nga ang marami sa lahat ng mga naging tagumpay o kalungkutan niya sa buhay. Matatandaan na siya ay ikinasal noon sa napakagwapong aktor na si Gabby Concepcion, ngunit matapos ang ilang taon nilang pagsasama ay nauwi ito sa hiwalayan. Nagkaroon naman sila ng isang napakagandang anak na babae, at ito nga ay ang nakilala rin sa showbiz na singer-actress na si KC Concepion.

Muli namang ikasal si Mega Star sa kanya ng asawa ngayon na si Kiko Pangilinan, at ang kanilang pagsasamang mag-asawa ay matatag pa rin hanggang ngayon. Sila naman ay nabiyayan ng tatlong mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel. Samantala, ikinagulat naman ng marami ang naging pagbabahagi ni Mega Star kamakailan lamang ang patungkol umano sa kanyang isang anak, na kailanman ay hindi niya pa naisapubliko. Marami ang nagtaka sa post niyang ito, dahil ang pagkaka-alam nga lang ng lahat ay apat ang kanyang anak, isa sa kanyang dating asawa at tatlo sa asawa niya ngayon.

Sa kanya ngang latest vlog ay ibinahagi ni Mega Star ang patungkol sa kanyang isa pa umanong anak, kung saan ang kanya ngang tinutukoy ay ang anak niyang si Curtis na isang sundalo at miyembro ng US army na nakabase nga ngayon sa bansang Amerika.

Batid ng marami sa atin na ngayon ay nasa bansang Amerika si Sharon, at sa kanyang ngang bagong update sa kanyang vlog ay ipinakilala niya ang isa pa nga umano niyang anak, at ito nga ay si Curtis, ang kanyang pamangkin ngunit kung ituring nga niya ay para niyang tunay na anak.

Pahayag ni Mega Star, itinuturing niyang ‘pride and joy’ ang kanyang pamangking si Curtis, at hiling nga niya ay sana’y naging tunay na anak niya ito, dahil parang anak na talaga ang turing niya rito.
“I’m with my son Curtis. I’m so happy to see him. He looks like me. He looks like tatay, my dad”, ang naging saad ni Mega Star. “Napakagwapo, iyan ang lahi namin”, ang naging dagdag na saad pa ni Mega na puring-puri ang kagwapuhan ng kanyang pamangkin.